CHLOE'S INBOX
Giving Needs Practicality Too
October 8, 2016
-


Hi, DJ Chloe!
I like to share my story po sa inyo and ask na din po ng inyong opinyon. Nakapagsent na din po ako dati ng message sa inyo but to introduce myself again, I am Mary, 27, working, single mother ng aking dalawang baby barako (ages 6 and turning 2 this October 4 ‘yung bunso). I’ve been a single mother since my youngest was born. I actually decided to leave the relationship, because madami kaming hindi pinagkakasunduan ng father ng mga bata, substance abuser siya (methamphetamine) at nasasaktan niya din ako ng pisikal. Kung ano mang ibang pangit siguro na traits o aayawan mo sa isang partner nasa kanya na – sabi ng mother ko. Pero ayoko maging ipokrita. siya ‘yung taong mahal na mahal ko since 15 years old pa lang ako.
At even up until today my heart beats, hindi lang para sa mga bata kahit sa kanya tumitibok pa din ito (gagita, noh?) Anyways, after almost two years we never talk. He messaged me here sa Facebook or magpost siya sa Facebook nang parinig as if friends kami. Minsan ibo-block din ako. I didn’t pay to reply on any of his messages. Pero pagnakakapikon, I post nang naka public (yes, so immature, I know). Pero nakakainis, eh.
Here is the situation of mine now, his dad (‘yung lolo po ng mga anak ko na father ng ex ko) ay naka-admit sa hospital na kung saan ako nagwo-work. I know na wala pong work si daddy, how could they pay for it? Yes, kargo ko po, ‘yun po talaga ang nangyayari. Naintindihan ko po na hindi sila mag-ama okay, as in war. Kaya sa akin sila lumalapit. I can tell naman po na nahihiya siya kasi hindi naman kami kasal ng anak niya at walang sustentong binibigay o kht hinihingi ako sa kanila. Tinitiis ko na lang po lahat ng hirap magampanan ko lang ang responsibilidad ko sa mga anak ko kahit wala siya. I know it will be a big issue sa parents ko pero I choose to help. Ang paniniwala ko po kasi mas magandang tumulong kung kaya mo din lang naman. Kesa sa alam niyo na ‘yun. I know hindi ako angel o close to be man lang. May mga bagay naman po na ‘di magandang nagawa sa akin, iniisip ko na lang po ‘di naman ako magdadala noon. What’s just bothering me is my ex. Okay lang po na ako na ang bahala sa mga anak namin pero kung pati po parents niya, in particular si Daddy at Lola niya, baka hindi ko na po kayanin. He has this post na “ang sarap ng walang responsibility, iyong-iyo na lahat” that was like two days ago (stalker? Yes, I do stalk sa Facebook account niya).
I just don’t know how would I approach him, his daddy (na alam ko namang hindi intensyong pahirapan pa ako). I would like to know saan ako magd-draw ng lines between helping them and carrying them .
Mary
Dear Mary,
Hirap ng ginawa mo sa buhay mo at sa sarili mo, Mary. Yes, you are correct. Okay ang tumulong lalo kung may sobra ka at hindi ka aangal o kaya aaray sa bawat sentimo na bibitawan mo ‘pag tumutulong ka. It’s actually a test of character. ‘Yung gipit ka rin pero nakakatulong ka pa. Kaya lang, girl. Once you start helping, sometimes there is no end. Some people don’t know when to stop asking for help and some people, like you, do not know when to draw the line.
Unless, social welfare ka ba, te?
May messianic complex ka yata eh or maybe you want your ex to notice you through this? Mahal mo pa kasi ‘di ba?
There are so many ways you can help kahit hindi financial. Mahirap niyan, minsan, damn if you do, damn if you don’t. The moment you stop helping, dammit’ ka na sa kanila. I bet you.
How are you helping ba? Charge sayo as employee ang bills? Ask the help of the hospital to issue probably a statement or a rule na until x number of pesos lang ang allowed sa inyo. After which babayaran na ng patient or mo ang excess.
You have kids. You’re a single mom. ‘Di bale na nga hindi magbigay sila ‘wag na lang sanang hingan ka pa. The only person who can put a stop to this is you.
Put your feet down and tell your ex in-laws that you can only do and help as much. But you can’t do it all and every time. Ikaw ba? ‘Pag ikaw nangailangan, tutulungan ka ba nila, ng ama ng mga bata? Eh hinayaan na nga sa’yo eh. Tingnan mo ang post, ipinasa pa sa’yo gladly ang anumang sagutin niya.
When you have kids, it’s okay maging maramot minsan. ‘Pag nakukuha na ang para sa mga anak mo, hindi na tama at hindi na maganda ‘yun.
-
COMMENTS















