When You Drive The Wrong Road
X

CHLOE'S INBOX

When You Drive The Wrong Road

October 13, 2016

  • easy-rock-chloes-inbox-when-you-drive-the-wrong-road

    Dear DJ Chloe,

    Una po sa lahat, let me tell you that I am one of your avid listeners.

    Lahat po kayo sa Easy Rock pinapakinggan ko pero lalo na ang oras mo dahil gustong-gusto ko ang nakikinig ng mga sulat na binabasa mo on-air at syempre inaabngan ko lagi ang mga advice mo.

    I am always on the road kaya po lagi kong kasama ang Easy Rock. I am into a ride sharing business or job. Uber driver po ako kaya po ugali ko na ang makinig ng Easy Rock para hindi ako magalit sa sobrang trapik at minsan para hindi ko rin mabigwasan ang mga riders na ang iba ay talagang masasama ang ugali.

    DJ Chloe, I never thought I’d be one of your letter senders. I am married and with two kids. I’m in my late 30’s. Masasabi ko na okay naman ang married life ko, minsan hindi kasi medyo maingay si misis pero kinakaya naman.

    Eto na po talaga ang problema ko…

    May nakilala po akong rider, maganda siya, mga late 20’s at nag ta-trabaho sa BGC. Naisakay ko na po siya ng ilang beses kaya medyo pamilyar na. Hanggang naging magkaibigan kami at naging malapit sa isa’t-isa. Lumalabas para mag coffee, minsan po para magdinner after ng work niya. And it came to the point na hindi ko na siya rider dahil sinusundo ko na siya right after work niya. Dahilan para hindi ko ma-reach ang quota at hindi magka-incentive minsan. Pero okay lang masaya naman po ako kasi kasama ko siya.

    Ang pagsundo ko sa kanya at paggiging malapit namin ay humantong sa isang relasyon. DJ Chloe, buntis po siya ngayon at ako po ang ama.

    Hindi ko na po alam talaga ang gagawin ko. Sana po bumyahe na lang ako ng bumyahe, masakit na po talaga ang ulo ko DJ Chloe, baka rin po malaman ng asawa ko ‘to. Hindi po pala alam ng girlfriend ko na may asawa ako. Please help.

    Joey

    Hi, Kuya Joey!

    Tama ka, sana bumyahe ka na lang ng bumyahe, naka quota ka pa, naka incentive ka pa! Eh kaso ibang byahe ginawa mo, byaheng langit!

    Haaaay, pati ako sumakit ang ulo ko sa’yo! Now, I really hope that those who are tuned in to us and are in the same situation, magbago na po kayo. Having an affair is something that will only make you happy for 15 minutes and leaves you miserable for 23 hours and 45 minutes.

    I cannot think of any solution but for you to face your problem head on.

    You will need to support the girlfriend specially because she is about to have your child. And! You will continue to support your family in the same manner you do so your wife don’t notice but until when?

    Pinagod mo lang sarili mo, Kuya Joey. But then naging masaya ka naman yata for doing this so face the consequences of your actions.

    For now, ang maipapayo ko sa’yo, be ready to tell your wife. Or kung ‘di ka pa ready, be ready for the time she finds out. At simulan mo nang magtrabaho ng super work hard kasi dalawa na ang pamilya mo.

    As in trabahong pambigas at pang gatas, isama mo na rin pati pambayad sa auto kasi I’m sure encumbered ang auto mo, kuya kung nasa ride sharing ka.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.