Too Old For Young Love
X

CHLOE'S INBOX

Too Old For Young Love

October 18, 2016

  • easy-rock-chloes-inbox-too-old-for-young-love

    Hello. Fans mo ako. Lagi akong nakikinig sa mga payo mo about love. Kala ko hanggang pakikinig lang ako sa’yo. ‘Di ko akalain na magme-message ako sa’yo para humingi ng advice. ‘Di ako makamove-on sa breakup namin ng boyfriend ko. Two weeks, wala kaming communication basta lang naka-off ang cell phone niya. ‘Di ko nga alam, ni hindi niya ako kinontak. Kanina ako na ang gumawa ng move para makausap siya. Inabangan ko siya pauwi sa house nila at ‘yun nga gusto ko malinawan sa lahat. Sabi niya nabagsak daw cell phone niya at ang dami niyang reason. Ang dami daw niya iniisip. Ang sa’kin lang kasi, ang sakit ng ginawa niya. ‘Yung basta lang ‘di siya nagparamdam at wala pala talaga siyang balak na kausapin ako kung ‘di pa ‘ko gumawa ng move. Sakit talaga para ‘kong tanga na mababaliw kaiisip at kaiiyak tapos ‘yun palang iniiyakan ko eh balewala lang ako.

    Alam ko lagi din siyang nakatutok sa Easy Rock eh. Lalo na sa tanghali hanggang hapon kasi ‘yun ang pampatulog niya. 2am to 10am kasi pasok niya kaya sa tanghali tulog niya at ‘yang station niyo ang station niya. Naguguluhan ako, DJ Chloe. ‘Di ko alam sa’n ako mag-umpisa. Para kong nawalan ng gana sa lahat. Gusto kong isipin na lang siya at iyakan. ‘Yung kagagahan ko. Mahal ko talaga siya. Alam ko pati age gap namin n’un problema eh. 32 pa lang siya at ako nasa late 40s na. Ang mali lang sa akin minahal ko siya ng husto, ‘di ko naisip na baka ‘di naman siya seryoso sa pagmamahal niya sa akin. Ngayon eto ‘ko parang tanga na laging nakatulala at panay iyak. Lalo na ‘pag narinig ko na ang mga music niyo.

    Miss T

     

    Dear Miss T,

    As I was reading your letter, I thought mid 20s ka lang or early 20s. Then I saw sa letter mo, 40 ka na. At 40 you really did buy his reason na nabagsak ang cell phone niya? Boyfriend mo ‘to, ‘di ba? So, if this guy is serious with you, the moment na wala or nasira cell phone niya , he will let you know because he knows na hahanapin mo siya.

    Alam mo ang mga lalaki, di naman lahat pero madalas, karamihan eh talagang rarasunan ka lang ng katungakan, makawala lang sa’yo. If a man wants you, nothing can stop him. If a man doesn’t want you anymore, nothing can change his mind. When I reached the age of 40 mas naging tolerant ako. Maybe because napagod na ako kakapilit sa mga bagay na gusto ko na hindi pwede. What I am trying to say is, act your age, dear. Hindi ka na bagets para mag-emote ng ganyan at para maniwala sa walang ka-kwenta-kwentang rason niya. Kahit teen ager yata ‘di maniniwala sa napaka-obvious na pag-iwas at pag-ayaw niya na sa’yo. Masakit, oo. Pero mas masakit ipilit ang sarili sa taong ayaw na sa’yo. That’s the surest way to die every day.

    Again, binasa ko ulet letter mo. Late 40s ka na pala. Few years from now 50 ka na. Do you seriously believe you still need and deserve this kind of stress from a 32-year old guy? Baka ‘pag early 50s mo mukha ka ng 65, dear, goodness. Enjoy life! It’s short and that’s a fact!

     

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.