Every Father's Wish
X

CHLOE'S INBOX

Every Father’s Wish

October 15, 2015

  •  

    EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - EVERY FATHER'S WISH

    Hi DJ Chloe,

    This is not the first time na humingi ako ng advice sa’yo. Even before na confused ako sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa relationship namin ng boyfriend ko, malaki ang naitulong ng advice mo. Sinunod ko advice mo and it went well. Salamat sa adivice mo before. But then eto na naman may isang bagay na naman na nagpapagulo sa’kin. Something happen between him and my father. A situation wherein napagsalitaan ng father ko ng hindi maganda ang boyfriend ko. At first, sumama loob ko sa dad ko. Nasaktan ako sa mga sinabi niya kay sa boyfriend ko. But then I realized it was just all for me. I had a heart to heart conversation with my dad and realized everything. Isang anak n’ya lang daw ako na babae. Gusto n’ya lang daw ng assurance from my boyfriend na may kapupuntahan ang relasyon namin. We’re almost two years together. Sabi ng dad ko ganun ganun na lang daw ba ang relasyon namin. ‘Yun lang medyo hindi naging maganda ‘yung pamamaraan ng pagvovoice out ng dad ko. To the point na parang sakit na ng mga sinabi n’ya samin. Sabi ng boyfriend ko nu’ng una intindihin na lang ang dad ko. Kasi nakainum siya that time na kinonfront nya kami. So kampante ko akala ko naunawaan niya ang dad ko. Then after two days nagtext ang boyfriend ko na ayusin muna daw namin ang pamilya namin. Gusto niya daw ng time para makapag-isip, parang hindi niya daw kaya magkaron ng biyenan na katulad ng dad ko. Nu’ng time na nabasa ko ang text niya tumulo agad luha ko. Hindi ko na siya nagawang replayan. Until now almost 1 week na wala na kaming communication. Hindi ko alam paano ‘ko magsisimulang kausapin siya. Pakiramdam ko kasi sumuko na siya. Mahal na mahal ko siya, alam niya ‘yun. Mahal ko din ang pamilya ko at nauunawaan ko lalo na ang dad ko kung bakit nakapag voice out siya ng ganun. Parang hindi kayang unawaain ng boyfriend ko ‘yun. Tama ba na isiping kong may limitations ang pagmamahal niya sa’kin? Na hanggang dun niya na lang ako kayang mahalin? Ano po ba ang dapat kong gawin DJ, Chloe. Salamat po ng marami.

    Ms. Cancer

     

    You know what, Ms. Cancer, you can change husbands, boyfriends, but you only have one father and he will always be the very first man in your life. Your father probably feels dehado ka na. So he is probably waiting to see or hear at least directions both of you are taking–you and your boyfriend. Maybe mali at masakit ang nasabi niya dahil nakainom siya pero ang alak ay parang truth syrup. Marami kang malalaman usually sa taong lasing. If your boyfriend thinks he can’t handle the truth your father said about your relationship dahil may puntong malaki ang tatay mo based in what you, yourself, told me na mga sinabi nya, then what more pag naging asawa mo yan? There will be more trials, more struggles and more challenges sa buhay may asawa. If your boyfriend really loves you and serious with you. He should prove your father wrong.

    Good luck,

    Chloe

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.