From Bob Marley
X

CHLOE'S INBOX

From Bob Marley

December 2, 2015

  • EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - FROM BOB MARLEY

    Hi Dj Chloe,

    I want to take this opportunity to have some advise. Ang tagal ko na po gustong magkaroon ng closure regarding this. I’m a single mother of two kids. May iba na pong kinakasama ‘yung ama nila. Mabilis po ako nakamove on because I have a friend who is always there for me even through Facebook chat lang niya ako naco-comfort. Until I fell in love with him. I know common na po ‘yung ganitong sitwasyon. But I don’t know what to do na po. May girlfriend siya for almost seven years. Last December lang kinasal sila at napilitan lang siya dahil ‘di ipapadala ‘yung apelyido niya sa bata pag ‘di sila kinasal. Nagpaliwanag siya. Inintindi ko ‘yun kasi mahal ko siya.

    Time went by nagiging deep pa ‘yung feelings namin sa isa’t isa. Gusto ko lang po alamin kung ano ba ang dapat kong gawin. May times na rin na sumuko ako pero mas pinaparamdam niya na kailangan niya ako at masakit din po para sa’kin na baliwalain siya. Dj Chloe, ayaw ko rin po na sirain ‘yung pamilya niya lalo na may anak sila. Pero ano ang gagawin ko, ako ‘yung kailangan niya. Hoping for your response po. Salamat.

    Gemini

     

    Dear Gemini,

    You said, “Dj Chloe, ayaw ko rin po na sirain ‘yung pamilya niya lalo na may anak sila. Pero ano ang gagawin ko, ako ‘yung kailangan niya.”

    Okay, kung ikaw ang kailangan niya bakit hindi ikaw ang pinakasalan niya? Bakit hindi ikaw ang kasama nya?

    Minsan you have to learn or know how to decipher the truth from the bullshit, okay?

    1. Hindi ipapadala sa kanya ang apelyido ng anak niya kung ‘di niya papakasalan?
    -Matagal ng may law na p’wede nang dalhin ng bata ang apelyido ng kaniyang ama kahit ‘di sila kasal ng nanay nito. Wala na ding illegitimate child ngayon. Lahat legit na.

    2. Ayaw mong sirain ang pamilya niya, dahil ikaw ang kailangan niya?
    -Pa’no? Pa’no daw na ikaw? Ikaw ba bumubuhay sa kanila?

    Pwede ba, please lang, hindi acceptable kahit kailan ang dalawa kayo! Pambabastos ‘yan sa pagkababae mo at pagkatao mo.

    If he is saying that he loves you and you’re saying you love him, then why is that both of you are not on the same bed?

     

    Sincerely,

    Chloe

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.