Missed Opportunity
X

CHLOE'S INBOX

Missed Opportunity

December 1, 2015

  • EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - MISSED OPPORTUNITY

    Good Day, Dj Chloe, Sis’s and sa mga Marino jan!

    Just want to share my thoughts about my SEAMAN and MOTHER-IN-LAW.

    Nakababa siya nu’ng July, so sa makatuwid ilang buwan na din s’yang tambay. At kasama ko siya sa araw-araw na ginawa ng Diyos kaya naman sobrang saya ko. Dapat sasampa na siya nitong October kaso tinatanggihan niya dahil malapit na raw ‘yung pasko at mahirap tyempuhan and I really understand his point. At maski ako ay aminado na gusto kong mag Christmas kasama siya this year. Ang kaso nga lang ‘yung mother-in-law ko kating-kating pasampahin ang asawa ko. Kesyo tambay na daw ng matagal, hanggang ganun na lang raw ba yung buhay namin. Nagpapaliwanag naman ng mabuti ang asawa ko kaso wa epek. So sa’kin naiinis ako kasi pag may kailangan nga ‘yung mother-in-law ko, ako na nagbibigay, kaso wala pa rin, haayyy. Nalulungkot lang ako sa thought na mas importante ang pera kaysa makasama niya ang anak niya sa pasko. Alam ko masama mag-isip ng ganoon kaso ‘di ko mapigilan. Salamat Dj. Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob.

    PS. Hindi po opisyal ang mister ko. Kumbaga may kapit lang po siya sa taas at sa mga naka-upo sa company nila. At may kamag-anak po siyang opisyal kaya po nakakatanggi siya. Pero po kahit ganoon ay pinagsasabihan ko pa rin po siya na ‘wag laging umaasa kasi naggalit din ang mga ‘yun kakatanggi niya. Nandoon na po ‘yung fact na tama naman ang mother-in-law ko na pasampahin na siya. Pero nakikiusap naman po ang mister ko. ‘Yun nga lang po ay nandoon rin ‘yung fact na papatagalin muna ulit bago siya magkaline-up. At kung sa budget naman po namin ay walang problema sa akin. Kasi po employed naman po ako. Kaya pa naman po ng lakas ko. Hehe. Kahit po ako ay gusto ko rin na sumampa siya, pero sa kabila noon gusto ko rin na magpasko siya dito dahil nakiusap nga po siya. Ayaw ko po mafeel niya na pinapaalis ko siya dahil ‘di ko po alam ang hirap sa barko. Ayaw ko pong isipin niya na puro pagtatrabaho at pag-alis niya ang nais ko. ‘Di naman po sa kinukunsinti ko. Mahirap po kasi itulak ang isang tao kung ayaw niya pa talaga. I still feel bad kasi ayaw ko din naman maprobation siya sa pagsampa niya. So ngayon, naguguluhan na po ako. Haha. Ewan ko ba. Salamat po pala sa lahat ng magbibigay ng comment at advice.

    Hi there,

    It seems you have already answered all your qualms/questions about your problem. You know the situation you’re in. You know the consequences and I am quite sure you also know the effect or repercussions, whatever they maybe, of your decisions (you and your husband’s).

    Ewan ko ha, nak’wento sa’kin ng isang kaibigan ko, one of his co-workers (care giver sila sa UK) umuwi ng Pinas, nag pa-extend ng bakasyon. After that, the management decided that he go on vacation for good. Hindi na nakabalik pa ng trabaho ‘yung kasamahan niya.

    Iba naman siguro ang kalakaran sa barko. But what I’m trying to say here, maybe you and your husband need to sit down and talk about what is important to both of you. Is it earning money while being away from each other or earning money and being together?

    Your husband seems to be very lucky to have all these connections and I believe nahihiya rin ang nanay niya siguro sa kakapa-extend niya or kakatanggi niya dahil baka lang naman nakakasakay lang siya ng barko dahil sa mga “koneksyon” nila.

    Why not decide once and for all na tapusin ang kontrata or sumampa ng barko sa loob ng 2 taon and after that tumigil na?

    Marami din kasing nagpapakamatay makapagtrabaho lang sa abroad or mabigyan ng pagkakataon maging seaman. I understand he wants to spend Christmas with you and your family. Baka naman ayaw niya na talaga. Then maybe ask him to work here instead para hindi kayo parehas na naliligalig na mag-asawa.

    I’ll leave this question to you, just in case hindi na ever makasampa ng barko ang asawa mo, or matagalan makasampa ulit. Sakaling mawalan ng koneksyon, or who knows, hindi na makabalik kaya naman ba ng trabaho mo na suportahan kayong mag-asawa pati nanay niya? Kung kaya, hayaan mo siya. Kung may limitasyon ka, I guess as a wife you need to “inspire” him enough to understand that what he is doing is for you and for the kids. Madalas ko ‘tong sabihin eh, “may mga diskarte sa buhay na hindi mo na mauulit” kaya while the iron is hot, keep striking while there are “opportunities”.

    Sincerely,

    Chloe

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.