Saddest Story
X

CHLOE'S INBOX

Saddest Story

November 25, 2015

  • EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - SADDEST STORY

    Hi DJ Chloe,

    It took a long time before I decided to ask for your advice. I’ve been working here in Saudi for four years and malaki din and naitulong sa pamilya ko nang magsimula akong mag-abroad. Minsan dumating sa akin na nagkaroon ako ng ka-chat sa Facebook. Pero malaki din ang pasasalamat ko sa nasa Itaas at sa sandali naming pagcha-chat ay nalaman agad ito ng asawa ko.

    Ang nais ko lang sanang itanong sa iyo ay dapat ba na lagi na lang na maghihinala sa iyo ang asawa mo? ‘Di bale sana kung totoo ang hinala niya kaya lang ang pinakamasakit pala ay ‘yung paghihinalaan ka ng hindi mo naman ginagawa.

    Mahirap magtrabaho dito sa ibang bansa. Malayo ka sa pamilya mo–na madalas dumarating ang lungkot dahil sa nag-iisa ka lang. Kaya siguro may mga kasamahan ako dito na para lang mawala ang lungkot nila ay nakakagawa sila ng pgkakamali. Pero ako naranasan ko ng magkamali kaya lang pinipilit kong tibayan ang sarili ko sa mga tukso. Pero sa palagay mo ba na sa pagkakamali na ginawa ko ay kailangang lagi na lng niya akong pagdudahan?

    Alam kong masakit ang nagawa ko sa kanyang kasalanan. Pero mas masakit pala kapag pinipilit mong magbago pero lagi ka na lang niyang pinaghihinalaan. Itago mo na lng ang real name ko. Sana mapagpayuhan mo ako. Thanks and more blessings.

    Archie

     

    Hi Archie,

    Trust is like a bar of chocolate, when it’s melted even if you freeze it, it won’t go back to its original shape again.

    And I believe your wife is going through something hard, twice than what you’re going through right now. ‘Yan kasi ang magiging struggle n’yong mga lalaki kapag nabubuking kayo. It would be hard for us women to trust you again because one lie is just enough to question all truths.

    If you love your wife and if you want your family intact, lawakan mo ang pang-unawa mo dahil ikaw naman ang nakagawa ng muntik nang ikasira n’yo. Put yourself in her shoes. If she was the one who did something stupid, siya ang nahuli mong may “ka-chat”, will she be forgiven by you?

    Mahirap talaga ang nasa abroad. Kaya nga kung kaya din lang naman na magkakasama na lang kayo, umuwi ka na lang siguro. It’s a crazy world we live in and you don’t know what’s going to happen next. Pero kung kailangan talagang nandiyan ka to make both ends meet, then keep praying for your marriage, for your family, and keep proving to your wife na wala na siyang dapat ipangamba pa. Sincerity takes a lifetime of proving, you know. So if you really love her, even if it takes a lifetime, then prove to her na nagkamali ka lang pero wala ng tatalo pa sa mag-asawang “magkasama” sa hirap at ginhawa.

     

    Sincerely,

    Chloe

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.