The Woman's Job
X

CHLOE'S INBOX

The Woman’s Job

November 9, 2015

  • EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - THE WOMAN'S JOB

     

    Dear DJ Chloe,

    Can you help me with my problem? Let me tell you my story. Meron po akong kapitbahay na guy and since nu’ng bagong lipat siya ako ang unang naging kausap niya. Until nakwento niya ‘yung past relationship niya sa ex-wife niya. Hiwalay na po sila and meron ng ibang asawa, ‘yun and sabi niya. Isa po siyang security officer. Naging mas malapit po kami sa isa’t isa nu’ng sabay kami pumapasok. Nagkukulitan kapag pareho kami walang pasok, kumakain ng sabay. Lagi niya ako tinitimplahan ng kape.

    One time tinext niya ako na kung pwede daw siya na lang mang-aaswang sa’kin. Sorry for the word. Ganu’n talaga ang text message niya. Until one time nawala phone niyang isa. Natigil yung pagtext niya sa’kin pero ganun padin routine namin sa bahay. Natutulog nadin kami magkatabi, DJ! Naguguluhan na po ako kung may dapat ba ako asahan or wala. Kasi nafall out na ako sa tinatawag kong “KUYA” kasi ‘di na rin niya ako tinetxt kapag nasa work kami pareho. Thank you, DJ.

    Miss Cancer

     

    Dear Miss Cancer,

    Hanggang saan umabot ang “pagpapa-aswang” mo? The way I see it, if nagpa-aswang ka to the max sa kanya, eh liberal ka mag-isip. But then, even when you’re liberated and all marunong ka pa rin mag-assume na may something kayo ni “Kuya”. You know what, even if a guy losses his phone, if he is into you he will get another phone so he can be connected to you 24/7. Lalo na ngayon, 500 pesos lang may phone ka na. I hate to be the bearer of bad news, pero nakuha ka niya sa kape at sa konting effort ng pagiging malapit sa’yo. And if you offered yourself, like a dish on a dinner table, what else can you offer? Kung na-fall out ka na then you wouldn’t even think about “hoping”, right? Dapat mayabang ka pa. “O, eh ano ngayon ‘di ka na nagte-text? Buti naman. Wala kang sense at wala kang latoy.“ ‘Di ba dapat ganun ang datingan mo sa sitwasyon na ito? #JustSaying

    Sincerely,

    Chloe

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.