When You Have a Child...
X

CHLOE'S INBOX

When You Have a Child…

December 8, 2015

  • EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - WHEN YOU HAVE A CHILD

    Hi Dj Chloe,

    Single mother po ako. May isang anak from my ex-boy friend. Now may boy friend po ulit ako mag one year na ang relationship pero kasi nasa abroad siya. Matagal ko na siyang kilala. In fact, siya ang first boy friend ko. Nagkaro’n lang ulit kami ng communication nu’ng inadd niya ako sa Facebook pero hindi expected na magkakaroon ulit ng spark between us.

    He’s married already with three kids. Mag seven years na po silang hiwalay and inaayos daw ‘yung annulment nila and friends pa din daw po sila para na din sa mga anak nila. May iba na pong kinakasama ang legal wife. ‘Yung  second wife hiwalay na din sila mag four years na at may isang anak. May iba na ding kinakasama. Wala naman daw po sa kanya ang problema. Nag-aabroad po kasi siya at ‘yung mga iniiwan po niya ang nagloloko. Seryoso po siya ng sobra, ramdam ko ‘yun. Pero bale wala lang po sa’kin. Takot po kasi ako at ayokong matawag na kabit. Priority ko po talga ang anak ko. Madalas hindi ko talga siya pinapansin, pinapabyaan ko lang po mga messages niya, SEEN lang lagi. Ayun at nagda-drama po siya. Ramdam niya na hindi talaga siya importante sa’kin, pero sana daw subukan kong tanggapin siya ng buo kasi tanggap naman daw niya ako. Ang past ko at lalo na anak ko. Obvious naman po na ayoko na talga, pero ayaw niyang bumitaw. Hintayin ko daw siya bumalik at mag-uusap kami ng heart to heart. Please, advice me po. Naguguluhan po talaga ako. Minsan gusto ko siya, minsan biglang ayoko na po ulit. Lalo na pag naiisip kong apat ang anak niya tapos sa’kin isa lang. Tapos pag naiisip ko din pong kabit ako. Ayoko pong masaktan ulit. Lalo pong ayokong may manakit sa anak ko. Pa’no po ba ang dapat? Thank you po in advance.

    Ms. Tuliro!

     

    Dear Ms. Tuliro,

    “ Priority ko po talaga ang anak ko,” then so be it. Prioritize your kid.

    He has kids from other women too, right? At mangilan-ngilan din ‘yun. If you can handle dealing with that idea of him seeing his kids and the mothers because he will still really see them, then go ahead. If you can’t handle it, then focus on yourself and prioritize your own kid.

    Besides, babae lang ang madrama. Pag drama king ang isang lalaki, medyo mag-isip ka.  Women don’t need drama kings. We need action stars actually. Lalaking maaksyon sa buhay at hindi ka gugutumin that’s what I meant. I don’t mean to be judgmental or what, but 4 kids? Tapos iba-iba mothers, how can he be a “father” to your own child? It’s easy to be a biological father but too hard to be a “parent”and don’t buy his crap na ang mga naging karelasyon niya ang may problema at siya ang iniwan. Baka nga ka-iwan iwan siya. It always takes two to tango. Ano ‘yun, perpekto siya? Iniwan pa siya?

    That’s a lot of crap! So if you’re saying that your gut feel is telling you to leave the drama, by all means, walk out of it.

     

    Sincerely,

    Chloe

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.