CHLOE'S INBOX
A Lie Has A Ripple Effect
May 15, 2018
-


Hi DJ Chloe,
Dito na lang ako magshare ng kuwento ko kasi nahihiya ako na malaman ng iba ‘yung problema ko. Sana mabigyan ako ng pagkakataon na masagot o matulungan sa masakit na sitwasyon ko ngayon.
I’m 39. May boyfriend ako na foreigner. Awa naman ng Diyos tumagal kami ng lagpas one (1) year at hanggang ngayon kami pa rin naman. Mahal ko siya talaga at alam ko na mahal nya din ako. Wala ako masasabi sa kaniya kung kabaitan lang ang pag-uusapan. Kabaitan na hanggang sa pamilya ko. Pero never ako humingi ng pera sa kaniya at nagtatrabaho din naman ako. May company siya na pinapatakbo dito kaya for good na talaga siya dito sa atin.
Nagsimula ito nu’ng nakaraang araw lang. Nakipagkita ako sa isang kaibigan (isang oras lang) at sobrang malapit lang sa place namin. Dahil ‘yung araw na ‘yun dapat mag -oovernight siya sa Pampanga dahil kinabukasan ay may mahalagang gagawin sa site nilla. May mga history kasi DJ Chloe, nagtitiwala naman ako sa kaniya pero ewan ko ba bakit parang ‘di ako minsan kumbinsido. Hanggang sa nagjoke lang ako na sabi ko may GPS ako ilalagay sa’yo tapos tawa kami ng tawa saka sabi ko may third eye ako. Minasama pala niya ‘yun. Napakatanga daw niya na sumunod siya sa gusto ko which is wala naman ako magagawa kung talagang mag-overnight siya dun.
Nagalit siya ng gabi na dapat aalis siya, umuwi siya na wala ako pero nagpaalam ako sa kaniya. Hanggang sa bnigyan na niya ako ng cold treatment. Hanggang kanina.
Nagmakaawa ako sa kaniya kagabi na kausapin niya ako sabi niya wala daw dapat pag-usapan at magmula daw ngayon gagawin niya lahat gusto niya kahit gusto o ayaw ko man. Sa mga palitan namin ng text ako ang lumabas na masama sa kuwento na ito.
Ako na naman ang nagsorry kahit alam ko wala naman ako ginawang masama. Bigla na lang sya nagreact ng ganun nang ‘di ko malaman talaga. Ilang beses na nangyari ang ganitong sitwasyon, ako palagi ang umaayos nanunuyo sa kaniya nagsosorry para matapos na lang at maging maayos kami.
Isang oras lang yun na nawala ako dahil dun ganito sitwasyon namin. At once in a blue moon lang yata ako makipagkita sa mga kaibigan ko kahit sinasabi niya noon na lumabas naman ako at makipagmeet sa mga kaibigan ko. Kaya nagtataka ako bakit biglang ganun. Samantalang siya minsan inuumaga ng uwi, katwiran business meeting etc. Pero ‘di ko siya binigyan ng cold treatment or nagalit man lang. Palagi akong dadatnan niya pag-uuwi siya.
Sa ngayon ‘di ko alam ano dapat ko gawin. Gusto ko sukuan siya dahil sabi niya kapag nagkaproblema na naman kami dahil sa mga trust issue sa kaniya aayaw na daw talaga siya. Mahal ko siya pero ang liit-liit na ng tingin ko sa sarili ko ngayon. Tulungan mo ako, DJ Chloe, na malinawagan ako kahit paano. Sobrang sakit at hirap pero kaya pa pero konting konti na lang. Salamat po. Pasensya na sa mahabang kuwento ko.
Jean
Hi Jean,
It seems after niya makipagbiruan sa’yo, eh affected pala siya. Hindi kaya ikaw lang ang may pagmamahal sa kanya? It seems hindi siya apektado o maaapektuhan pag nawala ka. Hindi ka ba napapagod na problemahin siya? Ba’t ‘di mo na lang deadmahin? Sabi mo may history, kaya medyo wala kang tiwala. That’s the reason why you’re suffering, nahuli mo ‘to malamang tapos pinatawad at pinagbigyan mo kaya ng ending ikaw ng na praning. Ang tao, ke bantayan mo o hindi lagyan mo ng GPS o tracker o hindi kung magloloko ‘yan, gagawin niya ‘yan. Give yourself a break. If you can’t take it na mawala siya sa’yo eh ‘di deadmahin mo mga ginagawa. Now if you want peace of mind, let go of what’s robbing you off of your peace.


-
COMMENTS














