A Little Affair Can Affect Your Future
X

CHLOE'S INBOX

A Little Affair Can Affect Your Future

June 16, 2016

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---A-LITTLE-AFFAIR-CAN-AFFECT-YOUR-FUTURE

    Good day, Ms. Chloe!

    Ako po ay laging nakikinig sa Easy Rock na dating WRock. Ako po ay nagta-trabaho sa isang malaking courier company na kilala talaga. Okay naman ang sahod at maraming magagandang bigay. Kasama na ang mga health card ng pamilya ko. Hanggang isang araw ay nagkaroon kami ng bagong empleayada na galing sa probinsya.

    Sa madaling sabi, nagkaroon kami ng relasyon at nagkaanak, hanggang sa nalipat siya ng ibang branch at tinuloy namin ang nangyari sa amin.

    Dahil sa siya lang dito sa Manila at magkakaroon na kami ng anak, nagsama kami at ako ay nagkaroon ng dalawang pamilya.

    Dati ay may dalawa akong jeep at tricycle na pangnegosyo at may tatlong anak sa original kong asawa na sa awa naman ng Diyos tapos na rin mag-aral. Siguro dahil puro babae ang anak ko kaya nagbakasakali pa din ako na mabibigyan ako ng anak na lalaki. At ngayon nakatatlo na kami ng jowa ko, na binahay ko na din. At nawala na ang mga jeep ko at tricycle ko na para na naman ako nag-uumpisa sa una.

    ‘Yun nga lang dalawa na ang pamilya ko ngayon. Medyo hirap na talaga ako kasi ang panganay ko sa jowa ko ay four years old pa lang. Tatlo na ang anak namin nagyon at may pamilya pa ako na inuuwian.

    Humihingi ako ng payo. Paano po ba ang gagawin ko na may tatlo ako ngayon na mga bata pa at may pamilya pa ako. Sa madaling salita ay sagad na ako or ubos na ako. May edad na din ako at natatakot na sa mga mangyayari, sa maiiwan kong mga bata. Dati ay halos kaya kong makuha ang lahat, na ngayon hirap na ako. Utang sa lending, utang sa bangko at pati sa opisina. Sana matulungan mo ako, Ms. Chloe. Sana mabasa niyo ang letter ko. God bless and thank you.

    Mang Ricky

    Dear Manong,

    P’wede kita kitain tapos iuuntog po kita? Ano po ba ang ginawa mo sa buhay mo?

    Ay sus ka naman, dapat retiring ka na at dapat ay travelling na kasama si misis, ‘di ba? o ‘di naman kaya ay nag-eenjoy ng mga apo.

    This is a perfect example of what a little affair can do to a person. It will change your life big time!

    The little affair blossomed into a big time commitment and obligation.

    I don’t know what to say but enjoy reaping what you have sown. Kayo po lahat gumawa niyan eh. And it is really your responsibility na itaguyod ang second family niyo. Sana po naisip niyo ‘yan una pa lang. Ginawa niyo pa pong tatlo. *face palm*

    I wonder kung ‘di kayo nahuhuli ni misis, ano? I can only wish you good health and I hope patuloy kayong may pagkakitaan para sa mga anak niyo sa pangalawa. Bilib din po ako sa inyo dahil itinataguyod niyo sila. Ang iba po iniiwan na lang ang mga bata na parang mga tuta. Siguro sa puntong ‘yan dakila po kayo. But then the end doesn’t justify the means. (tama ba?). Wala pong ibang solusyon sa problema niyo but to endure it and face the consequences of what you did.

    So nakalalaki na po ba kayo? I just hope so, manong.

    I don’t know if you should tell your wife or kids about this. I’m sure it will break their heart.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.