A Man Who Abuses A Child Is Not A "Man"
X

CHLOE'S INBOX

A Man Who Abuses A Child Is Not A “Man”

May 18, 2016

  • EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - A MAN WHO HURTS WOMEN IS A WEAK MAN

    Hello, DJ Chloe!

    Gusto ko po sana ulit humingi ng advice. Ako ‘yung nagpa-advice before na married. Pero hindi na kami ng asawa ko at wala na kaming pagmamahal sa isa’t isa. Nangyari nga po na bumukod kami ng mga anak ko pero naiwan sa kanya ‘yung panganay ko. Kinaya ko naman kahit maliit lang ang inupahan namin at hindi kalakihan ang sweldo nakasurvive naman. Pero may nangyari sa panganay namin na naiwan sa kanya. Nabarkada at hindi niya daw kayang disiplinahin kaya nagdecide ako na bumalik na lang kasi ayaw din naman sumama sa’kin ng panganay ko. Siguro dahil hndi ko mabigay ang mga luho niya. Bumalik kami kaso nang minsang wala ako sa bahay, akala niya tulog na tulog ang pamangkin ko. Pinagtangkaan niyang gawan ng masama, na minsan niya ng ginawa noong 10 years old pa lamang ito.

    Ito na ‘yung naging problema namin noon kaya nawala ang lahat ng pagmamahal ko sa kanya. Ngayon, gusto na naman niyang gawin ulit.

    Halos masiraan na ‘ko ng ulo dahil lahat pala ng pinapakita niya para magkaayos kami ay hndi pala totoo. Masyado pong personal ‘tong problema ko na ‘to pero gulong-gulo na po kasi ang isip ko. Pinatawad na namin siya noon at alam niya na ang ugat ng lahat ng mga nangyari ay ‘yung pagkakamali niya na ‘yun at balak pa pa lang ulitin. Hindi ko na talaga alam kung may pagmamahal pa ba siya sa’min ng mga bata. Madami naman pong babae at matatanggap ko pa siguro kung mambabae na lang at kahit ilan pa. Ngayon, DJ Chloe, parang kahit anong gawin niya hindi na maalis ‘yung masamang pagtingin ko sa kanya. Kahit parang niloloko ko ‘yung sarili ko na okay lang ako nasasaktan ako ng husto lalo na para sa pamangkin ko. Sinabi ko na din sa mga kamag-anak ko pero wala naman silang ginawa. Masakit ‘yung ginawa niya. Ngayon kahit ‘yung bunsong anak ko na babae ayaw kong maging close sa kanya. Sobrang tamang hinala na ‘ko palagi. Please, ano po kayang p’wde kong gawin? Nahihirapan po ako sa sitwasyon ko ngayon. Wala po akong masabihan. Paki hide na lang po ulit ng identity ko. Thank you and God bless.

     

    Hello there!

    Kinaya mo na pala bakit bumalik ka pa? Never ever should you go back to the one who broke you and you should never let anybody hurt you nor fool you twice!

    It is disturbing enough to know that he has done it already to your niece and he got away with it. And now you’re exposing your own child and your niece again to this monster?

    I do not know why your family, your relatives are much more concern of the shame it will bring to your family if you will let authorities know that he has violated your poor niece.

    What is the point of you returning back to him? Is it true na hindi niya kayang disiplinahin ang panganay niyo? Or was it just his reason para obligahin kang bumalik sa poder niya?

    Sana inalam mo muna. Please get in touch with the proper authorities. From what I know there is a women’s desk or help center in all police stations.

    Nagbubulag-bulagan kayo at nagbibingi-bingihan kayo sa ginawa niya sa pamangkin niyo, paano pa kaya pamangkin niyo? Scarred for life? And what’s worst, eto na naman, bibigyan niyo na naman ng pagkakataon na sirain na buhay niya pati ulo niya. Maawa kayo sa bata!

    Sincerely,

    Chloe

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.