CHLOE'S INBOX
Age Is Just A Number
July 4, 2017
-


Hi DJ Chloe,
This is my first time na mag message sa’yo, please hide may identity ‘pagnabasa mo itong letter ko.
I’m 30 and I’m still single but not available, yes! with boyfriend but not married.
I just want to share with you my story. I had my first boyfriend when I was 20. We’ve been together for more than six years but on July 2012 my life has changed. He was involved in an accident. Unfortunately, he died. Sobrang sakit halos gumuho ang mundo ko noong mangyari ‘yun. Hindi ko matanggap. Sobrang sakit, DJ Chole. Dumating ako sa point na nasira ang buhay ko, araw at gabi akong nagpapakalasing para lang makatulog. I worked as a nurse in one of the tertiary hospital here in Manila but I got terminated sa work kasi hindi na ako pumapasok. My life became miserable, until one day kinausap ako ni mama iniiyakan na niya ako dahil sa nangyayari. Then I have realized, I need to be strong for my family. 2013, I was hired again pero hindi naging madali ang lahat para sa akin, I still miss him. Sa lahat ng bagay na ginagawa ko halos siya lagi ang naiisip ko. Hindi na ako pumasok sa relasyon pa at akala ko tatanda na akong dalaga. I always pray to God to guide me and help me to heal my broken heart.It’s been five years since my ex-boyfriend left me. Suddenly, God answered my prayer.
May lalaking bigla na lang nanligaw sa akin, niligawan niya ako for four months. Sa lahat yata ng mga nanligaw sa akin siya ang pinakamatiyaga. I admit may pagkamaldita kasi ako, hehe. Pero siya sobrang tiyaga niya, nagagawa niya akong hintayin ng anim na oras para lang makasama ako, nakuha niya ang loob ng mga kaibigan ko at ng pamilya ko. Sa totoo lang pati ako nakuha niya, na-fall na ako sa kanya.
Everything seems to be so perfect but not on our age.
Sabi nila “age doesn’t matter” but for me it does. Yes, it really affects kasi he is only 23, sobrang layo ng age gap namin. May nagsabi sa akin na, nakakahiya daw ako dahil pumatol ako sa mas bata sa akin, na sinasamantala ko daw ang edad niya, sobrang nasaktan ako, DJ Chloe.
April this year, I met his parents. Alam ko ayaw nila sa akin but my boyfriend stood and fight for our relationship. Pinaglaban niya ako sa family niya para matanggap nila ako kaya naman sobrang saya ko kasi ngayon natanggap na ako ng pamilya niya.
Sa sobrang saya ko pinakilala ko siya sa pamilya ko, akala ko magiging maayos ang lahat pero hindi pala. Ayaw sa kanya ni Papa dahil bata pa siya. Hindi ko magawang ipaglaban siya dahil ayokong masaktan ko si Papa, ayokong masaktan family ko.Nalilito ako kung ano ba ang dapat sundin ko ang puso ko para sa boyfriend ko o ang puso ko para sa pamilya ko.
Mahal ko ang boyfriend ko at mahal ko din pamilya ko, ang hirap! Help me DJ Chloe.
Please hide my identity.
Thank you and God bless,
Emma
Hi Emma!!
You’re 30 and he is 23, so 7 years lang naman, makamatanda naman!? So what kung bata pa, kung mature na siya mag-isip, ano naman? Ang bata ay isang epektibong “moisturizer” kailangan mo ‘yan, ate .
Do not mind other people. You do not need anyone’s approval.
If he is a good person and he makes you happy and you make him happy as well, to hell with what other people say, ‘yung mga nagkaka-affair nga hindi nahihiya eh kayo pa itong wala namang sinasagasaan na tao. So why bother yourselves with what other people say?
The thing here is your dad, dahil hindi niya tanggap ang boyfriend mo? It is your boyfriend’s problem on how your family will like him and your problem on how to ease him in. Pag-usapan niyo ‘yan, hindi pa naman kayo magpapakasal, ‘di ba? So kuhanin niyo muna loob ng pamilya niyo.
Ang masasabi ko lang, ikaw may tendency kang maging depressive.
What if ‘di mag work out? Maghiwalay kayo? Or mawala na naman ang mahal mo sa’yo? Ano? Magpapakalasing ka ulit? Patapon ulit naman ang buhay mo?
Ito dapat ang baguhin mo, ang ‘wag paikutin ang mundo mo sa isang tao.


-
COMMENTS














