CHLOE'S INBOX
All Things New
January 14, 2016
-


Dear DJ Chloe,
Gusto ko lang i-share ang naging problema naming mag-asawa three years ago. I’m 16 years married with three kids at masaya ang pamilya. Dumating ang matinding pagsubok naming dalawa na ako din ang may gawa. Nagwo-work ako noon at nagkaroon ng best friend sa office. Ilang taon din kaming magkasama sa work hanggang sa nadevelop daw siya at nagmahal, bagay na hindi ko iniwasan. Nakaramdam ang asawa ko sa nangyayari. I have been accused of having an affair with my officemate. And the signs were like working late, text messages and calls. Kinompronta niya ako at inamin ko naman. Our marriage was suddenly in trouble, yes, I was having an affair with my best friend. Noong mga oras na inamin ko ‘yun sa asawa ko nakita ko kung gaano siya nasaktan. At ang pinakamasakit sa lahat ay ang mga salitang lumalabas sa bibig ko noon–na nagpakasal lang kami ng ‘di inaasahan dahil sa nabuntis nang ‘di rin inaasahan. Umiiyak siya noon, DJ Chloe. Bulag at walang naririnig. Isang araw nagtext si mister na kung pwede daw kaming lumabas at mag-usap. Pumayag naman ako. Nakiusap siya na kung pwede tigilan ko na ang mali, mag-resign sa work at lumipat kami ng ibang tirahan. Hindi ko alam kung bakit ako biglang napatango na lang. Umalis ako sa work at lumipat kami ng tirahan. Marami akong narerecieve na mga tawag at messages mula sa taong nagpupumilit pa rin na pumasok sa buhay ko pero ini-ignore ko na lang. Nang lumipat kami DJ Chloe pinilit kong ayusin ang lahat. Nagfocus ako sa family ko pero ramdam na ramdam ko ang panlalamig ng asawa ko. Minsan naisip kong buksan ang cellphone niya bagay na ‘di ko naman ginagawa. Nakita ko ang mga messages ng babae at mga calls ng alanganing oras. Nakita ko rin sa wallet niya ang iba’t-ibang sim card. Nasaktan ako, sa maliit na bagay na nakita ko, nasaktan agad ako. Ano pa kaya ‘yung ginawa ko sa kanya noon. Inaaway ko sa text ang girl at kinausap ko ang asawa ko na ayusin na namin ‘to para sa mga bata. Naisip ko rin na baka ito ng karma sa mga nagawa ko noon sa kanya. Nagdasal ako at humingi ng tawad sa Diyos. Nagfocus na lang sa bagong work, sa mga bata at naging maingat sa mga bagong nakakasama. Nakikita ng asawa ko ang malaking pagbabago sa buhay namin. Unit-unti ko ring nakikita ang paglapit niya ulit, bumabalik na rin ‘yung paglalambing niya noon. Taimtim ako laging nagdadasal na sana ayusin na ang lahat ng kamalian ko. Sa ngayon nararamdaman ko na ulit ang saya ng pamilya ko specially mga bata. Pilit ko silang inilalapit sa Diyos. Ngayon ko narealize na ‘di pala pumayag ang Diyos na tuluyang masira ang family ko, may mga plano pala Siya para samin. Ngayon, I’m 6 months pregnant at alagang-alaga ni mister. Thank you for reading my story, more power at God bless.
Mrs. C
Mrs. C,
I am so proud of you for being humble and open enough to share your story because I know a lot of people will be able to relate their situation with you.
God uses the things that had happen to you so that His name will be glorified because only He can make things new. He is the great restoreR and He did restore your marriage.
You’re also blessed. I don’t want to say lucky but blessed. You’re blessed to have a good husband who accepted you back and everything that has happened to you because it is pride that hinders marriages to be restored. Most men will not and will never be able to take it that their wife had an affair. Kapintasan sa pagkalalaki nila ‘yun.
And not all women are like you too, humble enough to admit they have done wrong and mend their ways. Which is what you did when you accepted your husband’s offer to fix what’s left of your marriage. You voluntarily stopped what you were having with the other guy unlike other women who willingly just allowed themselves to be a victim.
See, at the end of the day, it really is a decision and a choice you have to make. And you’re now seeing that your choice made you for it was able to restore your family back.
Thank you for sharing your story. I hope ma-inspire ang iba and people get to realize that with pride we never win. Pride is concerned with WHO is right. But humility is concerned with WHAT is RIGHT.
Sincerely,
-
COMMENTS














