Always choose the people who choose you
X

CHLOE'S INBOX

Always choose the people who choose you

February 2, 2019

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---ALWAYS-CHOOSE-THE-PEOPLE-WHO-CHOOSE-YOU

    Good day DJ Chloe ,

    I’m Mik and this is not my real name. I’m a girl. Sana po mapansin mo ang sulat ko at mabigyan niyo po ako ng advice. Mayroon po akong naging best friend noon, girl siya. Matagal ang aming pagkakaibigan, almost 13 years. Itinuring ko din siyang parang tunay na kapatid at nag-end ito noong last 2018 dahil siya ang unang nagtapos. Mayroon siyang karelasyong lesbian at sila pa din hanggang ngayon. Nu’ng hindi pa siya nagkakaroon ng relasyon dito maayos naman po ang aming samahan. Pero nu’ng nagkaroon na okay pa naman hanggang sa lumalabo na ang aming pagkakaibigan. Lalo na ng nalaman ng asawa ko na tomboy ang karelasyon niya pinaiwas ako ng asawa ko sa kanya na huwag ko na daw tawagan at itext dahil baka mahawa pa daw ako sa kanya. Sinabihan din ako ng asawa ko na baka daw jowa ko siya na “baka tomboy ‘yang kaibigan mo” at sinabi ko na hindi. Sobrang pong naguilty ako, DJ. Pero kahit pinapaiwas ako ng asawa ko tuloy pa din noon ang aming communication. ‘Yun nga lang kapag nasa trabaho siya doon lang kami nakakapag-usap at kapag nandito na ang aking asawa hindi na kami nakakapagtext dahil binabawalan niya ako. Sa tingin mo, DJ Chloe, tama ba ang ginawa ko na pag-iwas noon? Pero kahit na ganoon humahanap pa din ako ng time noon para sa kanya. Sa tingin mo ba kahit paano naaalala niya pa rin ako? Sa palagay mo po ba pinagbawalan na siya ng tomboy na huwag ng makipagcommunicate sa akin kaya siya nagkaganoon? O choice na niya ‘yun? Actually po, nagbago ang ugali niya mula ng nakarelasyon niya ‘yun. I tried to add her but she refused it. Ganoon din ‘yung lesbian tniry ko na i-add. Pero wala, kaya alam ko na, na ayaw na niya but do you think it’s time to give up and move on na kalimutan ko na siya or umasa pa din ako kahit walang kasiguraduhan? Minsan paghinahanap ko ang pangalan niya at nakikita ko nandoon pa din ang pictures naming dalawa hanggang ngayon at sa tuwing makikita ko, napapaiyak na lang ako bigla kaya mula ngayon ‘di ko na tinitignan para ‘di na ‘ko umiyak. Gusto ko lang naman na malaman niya kung nakikinig man siya ngayon na mahal na mahal pa din kita at ‘di kita kalian man makakalimutan kahit ako’ y kinalimutan mo na. Salamat sa pagbasa ng sulat ko, DJ. More power to your station and God bless. Salamat po muli.

    -Mik

    Hi Mik!

    You know sometimes we have to learn to let go of the things that doesn’t serve us well anymore.

    There are people who will walk away from us and it’s not our fault, and that’s okay, that only means their part in your life is over.

    Sabi ni Catriona Gray, there are a 104 million Filipinos! It is impossible for you not to be able to find a new friend.

    Stop sweating the small stuff sis and start making new friends.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.