Assert Your Rights
X

CHLOE'S INBOX

Assert Your Rights

September 29, 2016

  • easy-rock-chloes-inbox-assert-your-rights

    Good pm, DJ Chloe!

     

    Alam kong hindi na bago ‘yung issue ko kasi ang dami ko na nabasa na naghiwalay dahil may babae. At worst, nagkaanak pa. Isa po ako sa kanila, DJ Chloe. Akala ko tanggap ko na lahat for almost three years. Nagawa kong mbuhay na wala siya. Akala ko totoong nakamove on na ako. Kauuwi niya lang DJ Chloe. OFW po siya at sa magulang niya siya umuwi. Ang sakit pala DJ Chloe. Ni ha, ni ho, wala akong narinig; kahit sa mga in-laws ko. Hindi ko alam kung nasasaktan ako para sa mga anak ko o sa nararamdaman ko. I have been crying DJ Chloe kasi one week na siya dito Pinas but kahit kamusta lang para sa mga anak ko wala. Alam ko from the start hindi na siya uuwi pa sa’min DJ Chloe at accepted ko na na mag-isa ‘kong palalakihin ang mga anak ko pero masakit prin pala, DJ Chloe. Na makita mo sa picture kasama niya mga pamangkin niya na masayang-masaya sila para akong nauupos na kandila dahil alam kong makikita ng mga anak ko ang mga picture na-upload nila kasama ang papa nila. Pasensiya na DJ Chloe. Para akong sasabog sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

    By the way, isa din sa inilapit ko sa’yo, hindi regular ang support na binibigay ng asawa ko sa mga anak namin na madalas naming pagtalunan ‘pag may chance na nakakausap ko siya online. Sana po matulungan niyo po ako.

    Thank you! Please hide my name.

    Miss D

    Dear Miss D,

    Correct, hindi na bago at hindi na rin bago ang mga maririnig mong sasabihin ko sa’yo at ng lahat ng mga komento na mababasa mo. Dalawa lang, hayaan mo na siya at buhayin mo mag-isa ang mga anak mo. Pero habang ginagawa mo ‘yan nagngingitngit ka dahil alam mong hindi mo dapat sinosolo, ‘di ba? Second, lumaban ka. Assert and know your rights especially because he is the father of your kids and you are still married to him. You can be pissed off or mad all your life but you can also choose not to get mad. But get even. May batas tayo ‘di ba? RA 9262. Pwede mong basahin at kung ‘di po natin maintindihan meron po tayong mga abogado na pwedeng tanungin. Syempre may cost. Ganun talaga, madalas ang peace of mind may cost. This is one of those. I believe RA 9262 was made, ginawa siyang batas dahil napakaraming lalaki ang sad to say ay kaya talikuran ang kanilang obligasyon sa tawag ng laman. And this law reminds them. It will remind them what they deliberately ignore. Baka po ‘di mo alam, maaring makulong ang lalaking hindi nagbibigay ng suporta sa kanilang anak, just saying. If you listen to other people marmai kang opinion na maririnig at ikalilito mo but at the end of the day hindi sila magbibigay ng pambigas mo para ipakain sa mga anak na iniwan sa’yo. So again, find a GOOD lawyer and assert your rights.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.