CHLOE'S INBOX
Assumptions will kill your relationship
July 8, 2019
-


Hi. Good evening, DJ Chloe.
Hingi sana ako ng advice. Every time magakasama kami ni girlfriend ko, once a week, meron lagi tumamatawag sa kanya. Iba’t-ibang number na hindi. Nakaregister sa cell phone niya, hindi niya ‘to sinasagot. Lagi niya sinasabi sa’kin na hindi niya kilala at baka online loan. Sa tingin niyo po totoo kaya sinasabi ni girlfriend? Sabi niya ‘wag daw po ako magselos at magtiwala ako sa kanya. Pinipilit ko naman po wag magselos kasi ‘yun nga po lagi na lang pag magkasama kami may tumatawag sa kanya. Two (2) months pa lang po kami. Nasabi niya na rin po sa’kin mga naging past niya. Sana po mabigyan niyo po ako ng advice. God bless po.
Hi kuya,
Possible na mga nagpapaloan, pero kung mga nagpapaloan, ba’t ‘di niya sagutin? ‘Di naman ‘yun tatawag sa kanya if hindi siya nag-apply ng loan. Or p’wede rin naniningil. If it happens again, tell her na sagutin sa harap mo para kamo ‘di ka duda ng duda.
-
COMMENTS















