CHLOE'S INBOX
Be The First Choice
September 13, 2016
-


Good day, DJ Chloe!
I want to share my experience and ask for your advice too. I’m Ms. M for short. Nagkaroon ako ng boyfriend pero may family na. Ang sabi niya sa’kin hiwalay na sila totally. Naniwala ako kasi pinakilala niya ako sa parents and mga sisters at relatives niya pati na rin sa two kids niya. And then one time nagulat ako, sila na ulit nu’ng nanay ng mga bata. So I let go of him. Eto ngayon, naging magkapitbahay kami.
I have my own family na, DJ Chloe. But ’till now ginugulo pa ako ng girl ng ex-boyfriend ko. Sinasabi niya na ’till now gusto ko pa ‘yung husband niya eh may asawa na din ako. Pinagkakalat niya na inaagaw ko pa rin ‘yun sa kanya. Nagkikita kami madalas dhil mgkapitbahay kami. Nakausap ko pa dati ‘yung ex ko na ‘yun na kung babalik ako sa kanya iiwan niya ‘yung family niya. Pero hindi ko pinatulan ‘yung sinabi niya kasi taken na ‘ko that time. Gusto ko sana patulan para lang gantihan ‘yung girl para masaktan siya na ako pa din ang pipiliin nu’ng ex ko over her. Madami na kasing ginawang hindi maganda ‘yung asawa niya ngayon sa akin na hindi maganda. So I want to have revenge. Tama ba na patulan ko ‘yung ex ko sa sinabi niya na ako pa din pipiliin niya? Please give me an advice. Thanks a lot.
Ms. M
Dear Ms. M,
“Tama ba na patulan ko ‘yung ex ko sa sinabi niya na ako pa din pipiliin niya?” May basis ang galit sa’yo ng asawa. Hanggang ngayon kinakausap mo pa rin ang asawa niya. Paanong papatulan mo? So ‘pag pinatulan mo meaning makikipag relasyon ka ulit? Then what happens to your husband then? Just to satisfy your ego and your pride, you’re gonna put shit on his head? Ito na ‘yung mga kasalanan ng nakaraan na bumabalik para mang harass. Ang solusyon sa problema won’t be solved by you making patol ulit sa asawa ng kapitbahay mo na ex mo dati. The solution is for you to find another place to stay. If you’re renting , hanap ka ng bagong rerentahan. She will never be able to forget what happened kasi naging kabit ka para sa kanya. Lagay mo sarili mo sa kanya. What would you feel? And how would you feel? I bet magagalit ka rin. So if I were you , stop talking to your ex, stop entertaining and start fixing your life. Maybe it makes you feel good na sinasabi ng ex mo na ikaw pipiliin niya. Tandaan mo, binola ka niyan, niloko ka niyan, at ginawa kang kabit ng hindi mo alam.
-
COMMENTS















