CHLOE'S INBOX
Because girls can!
June 18, 2019
-


Hi DJ Chloe!
Magandang hapon po sa iyo! I am listening to your program a while ago while on my way to work, habang nasa UV express po ako from Montalban, Rizal to Trinoma. I am working as a Social Worker sa Caritas Manila in cooperation with Radio Veritas. To be honest with you po, this is the first time na nag message ako sa DJ. Kasi sobrang tinamaan ako kanina sa mga sinabi mo towards the nurse who wrote and seeking for an advice. Para akong binuhusan ng malamig ng tubig when you said na “tama na ang paghahabol sa mga lalaki, mas bigyan mo ng time ‘yung mga anak mo. Kung mag-i-stay ang mga lalaki mag-i-stay ‘yan but if not eh wala kang magagawa kung iiwan ka talaga nila”, which is true. I was on the same situation before (minus being a single mom), but yes! I used to chase him to the extent na para na akong asong ulol kakahabol sa kanya. Halos wala na akong dignidad dahil sa ginagawa ko pati sa pamilya at kaibigan niya nagmamakaawa ako na balikan niya ako. Pero wala pa din nangyari. Until one day nagising na lang ako na I need to save myself kasi unti-unti na ding nawawala ang respeto ko sa sarili ko. That’s when I decided na “tama na, enough of him. Magfocus na lang muna ako sa sarili ko.” Pinatawad ko siya at pinatawad ko din ang sarili ko. Nagstart ako magvolunteer sa simbahan at maging active parishioner sa aming lugar. That’s where I found my sense of belongingness, naging close din ako sa mga bata na tinuturuan namin for Bible school. Nagfocus din ako sa masteral study ng social work and by God’s grace ay makakagraduate na ako by next year. Sana maging okay din si ate nurse sa pinagdadaanan niya sa ngayon at tatagan niya pa ang faith niya para sa mga anak niya at sa ipinagbubuntis niya. More power to your program. Sobrang nakakainspire hearing those words from you. Thank you and God bless!
Miss K
Hi Miss K!
I am so happy for you. You know, we are all only one decision away from a DIFFERENT LIFE. I hope that we will be able to empower other women, too. It’s high time women should realize that life doesn’t only revolve with having a man in our life. We are women, we are mothers, sisters, workers, leaders, bosses. And there are so many things we can do, and we can accomplish.
-
COMMENTS















