Being A Mom
X

CHLOE'S INBOX

Being A Mom

May 15, 2017

  • DISCLAIMER: The content below may consist of ideas and subject matters suited only for adult audiences. Audience below 18 is advised to view this content under adult supervision.

    EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---BEING-A-MOM

    Hi DJ Chloe!

    Ito na naman po at hihingi na naman po ako ng advice sa inyo. Ako po si JM. Bata pa lang po ako mulat na ako reyalidad ng buhay. Grade 1 pa lang ako noon nang mapagdesisyonan ng mga magulang ko na tumira kami ng kapatid at nanay ko sa probinsya. Noong una, okay naman ang lahat kahit naiwan ang tatay ko sa Maynila para magtrabaho. Masarap ang buhay namin sa probinsya kung tutuusin. May sarili kaming sari-sari store at water refilling station, may sariling bahay at nag-aaral sa exclusive school. Pero nagbago ang lahat simula nung nahuli ko si mama na may pinapatulog na lalaki sa bahay namin. Kahit bata pa lang ako noon, tandang-tanda ko pa ang lahat ng detalye hanggang ngayon. Sa sobrang takot ko kay Mama, hindi ko sinabi kahit kanino dahil tinatakot niya ako na hindi na daw kami babalikan ni Papa pag nagsumbong ako. Hanggang sa gabi-gabi nang natutulog ‘yung lalaki sa bahay namin. Hindi ko na natiis at sinabi ko sa ate ko na noon ay Grade 3 pa lang. Hanggang sa nakarating na sa Lola ko na nanay ni Mama at sinabi kay papa. Dali-daling umuwi si papa sa probinsya. Nag usap-usap sila at napagdesisyonan na ibenta ang bahay, mga gamit, in short, lahat ng napundar ni Papa. ‘Yung lalaki, kapit bahay lang namin at ‘di na din nagpakita simula noon.

    Sobrang sakit, DJ Chloe na hanggang ngayon ay ‘di namin makalimutan ang nangyari. 23 years old na ako ngayon pero nandito pa din ‘yung sakit. Tanging kamag-anak lang ni mama ang nakakaalam nang nangyari. ‘Yung mga kamag-anak ni Papa, pinagtatakpan si mama sa kabila ng nagawa niya. Last year, inulit na naman niya. Pero this time, kasabwat na ‘yung mga kapatid niya. May pinakilalang lalaki sa kanya, nakakatext at nakakausap niya palagi. Kahit kaharap niya pa si Papa. Hindi ko alam, DJ Chloe kung kami ba ‘yung problema dahil hindi niya talaga gustong magkapamilya at nadala lang siya ng emosyon niya noon. Dahil ang kwento ni Papa, noong pinanganak kami ni Mama, gusto niya kaming ipaampon na lang sa mga kamag-anak namin.

    Ang sakit na sarili naming nanay eh hindi kami gustong alagaan. Ilang beses namin s’yang nahuli na may ibang lalaki s’ya. Ilang beses namin siyang sinabihan pero ayaw n’yang makinig at s’ya pa ang galit. Buntis pa noon ang ate ko at muntik ng makunan dahil stressed na sa kanya. Hindi namin masabi ang totoo kay Papa kasi ayaw na namin s’yang masaktan. Alam ko nahihirapan na din s’ya kay mama dahil puro hingi lang ng pera sa kanya, lahat ng ipon ni Papa, hindi na n’ya alam kung san napunta simula nu’ng si mama ang naghawak. Parang ‘yun lang ang importante kay mama.

    Ang pera, luho n’ya at sarili n’ya. Last week, ‘yung kapatid ko binugbog ng asawa n’ya, si Mama, ayun nasa probinsya nagbabakasyon. Sa probinsya kung saan nandun ‘yung lalaki n’yang bago. Sinabihan namin na umuwi na dahil kailangan namin ng Nanay at kailangan siya ng apo n’ya na nandun ngayon sa probinsy sa side ng asawa ni Ate dahil walang mag-aalaga. Ang sabi n’ya lang, hintayin n’ya munang macelebrate ang death anniversary ng Tatay n’ya sa katapusan ng May bago s’ya umuwi. Wala man lang kumusta, o kahit anong sign na nag-aalala s’ya para sa’min. Sa totoo lang DJ, nawalan na talaga ako ng respeto sa kanya. Kaya ‘di ko maappreciate ang Mother’s Day dahil pakiramdam ko wala naman talaga akong nanay. Mayroon ngang matatawag na “Mama,” pero parang salamat na lang at binuhay n’ya ako. ‘Yun lang ‘yung ipagpapasalamat ko sa kanya. Dapat pa po bang ‘wag na namin s’yang pauwiin dito sa Maynila at hayaan na lang ang anak ni ate na doon muna sa probinsya kasama ang kamag-anak ng dati niyang asawa? Ayaw po kasi namin kumuha ng mag-aalaga sa anak nya dahil nga sa mga napapabalitaan na hindi maganda sa mga nagiging kasambahay. Sana po DJ, mapayuhan nyo po ako ulit. Maraming salamat po at God bless po.

    JM

    Dear JM,

    I felt really sad by your letter.

    Gayun pa man, you won’t be in this world if not for your mom, so find it in your heart to not bear any grudge and to forgive her.

    For all you know, your mother might be sick of something.

    Baka bipolar, baka may condition siya na hindi niyo alam.

    It seems she is in search of something she herself doesn’t know what and who.

    I urge that you pray for her and ask God what you and your sister should do.

    Although matanda na siya and she can decide for herself and the more na pigilan the more naman nag gigigil ‘yan. For now let her be, maybe she needs to learn her lesson. I don’t know. But for now, let her be.

    But continue praying for her and asking God to give her the enlightenment she needs.

    Just like how mothers continue to pray for their children. Children should also pray for their parents.

    Regardless of what she is, she was, she is your mother. Do not ever forget that.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.