CHLOE'S INBOX
Being Single Is Not Really A Status
June 15, 2016
-


Hi, DJ Chloe!
Avid fan po ako ng Easy Rock since college days. I’m now 28. Nakapagsulat na din po ako dito na nabigyan ng magandang payo. Sinunod ko ‘yun dahil ‘yun din naman po ang nasa isip ko. It was a year ago na po. Salamat sa mga payo ninyo.
Ngayon po ay sumulat ako ulit dahil ‘di ko po alam ang gagawin ko. Nakipagbreak na po ako sa boyfriend ko last year at single pa din until now. Sa tuwing magtatangka ako na subukan ulit na mag boyfriend ay nakakadama ako ng takot na baka masawi na naman ako. Parang ‘di ko na kaya magtiwa ulit at pagkatiwalaan ang sarili ko na kaya kong magmahal ulit ng ganun katindi. Sabi nga ng mga friends ko ay magboyfriend na daw ako ulit para daw makalimot ako sa ex ko. Pero sa tuwing susubukan kong buksan ang puso ko ay parang umaasa pa din ako na magiging kami ng ex ko ulit.
Kaya ko siya hiniwalayan before kasi gusto ko siyang bigyan ng time para mag-isip kung mahal pa din ba niya ako or hindi na talaga. Pero one year na ang lumipas. Ano po ba ang dapat kong gawin? Parang ‘di pa ako ready sa relationship with other guy. Alam kong dapat ko na siyang kalimutan pero paano? Anong best way to do? Paano ko siya totally makakalimutan kahit walang new boyfriend? Kasi kahit focused ako sa career ko ay sumasagi pa din siya sa isip ko at napapanaginipan ko pa. Ngayon ayaw ko pa talagang magboyfriend dahil focus muna ako sa aking career. Gusto kong i-achieve ang goals ko nang walang kahit na sinong boyfriend. Self-fulfillment, ika nga. Pero ‘di naman po ako man hater. Hahahahaha!
Ms. Leo
Dear Ms. Leo,
Maybe you have to make up your mind first? First and foremost, kung ayaw mo talagang magboyfriend dahil: (1) ‘di ka pa nakaka move on; (2) ayaw mo pa talaga dahil focus ka sa career mo, then DON’T. Ikaw na nagbigay ng reasons kaya ayaw mo pa mag boyfriend ‘di ba? So anong problema, teh?
‘Wag mong bigyan ang problema mo. Ang gawin mo make yourself beautiful, mingle with all the singles, pick up a hobby, and invest your time in something worthwhile. Something that will make you productive or maybe something that will make you rich.
‘Wag mo ng problemahin ang ex mo dahil matagal ka na niyang nakalimutan. Sobrang tagal na ng one year para lang pag-isipan niya kung mahal ka pa niya or hindi na. Kaya niyang gawin ‘yun sa loob ng isang araw eh binigyan mo ng mahabang time, ayun, nalibang na, ‘di na bumalik.
So cheer up, okay? Wala kang problema, bored ka lang.
-
COMMENTS















