Better Be Alone Than Be With The Wrong Person
X

CHLOE'S INBOX

Better Be Alone Than Be With The Wrong Person

July 18, 2016

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---BETTER-BE-ALONE-THAN-BE-WITH-THE-WRONG-PERSON

    Hi, DJ Chloe!

    Please hide my identity if you’ll read my message on air. Sa 13 years na’ming kasal ng husband ko, 10 years dun ay okay kami but these past three years namin marami kaming naging problem. Lalo na nu’ng nagstart ulit ako magwork.

    Nu’ng una, ‘di ako naniniwala na may babae siya at ilang beses na ‘yun. Pero nitong huli napatunayan kong may babae nga siya. Nu’ng una parang sinisi ko pa ang sarili ko to the point na nagmukmok pa nga ako at may mga time pa na nawawalan talaga ‘ko ng malay sa work ko.

    Earlier this year after 12 years my ex-boyfriend when I’m 20 yrs old (ang Mr. Chinito ng buhay ko) sent me a message on messenger. Nangangamusta. Actually lagi naman siya nagme-message sa’kin at lagi niya kinukuha ang number ko. Dahil siguro sa di na nga kami okay ng husband eh binigay ko na din ang number ko and we started to text and call each other. Nu’ng mga time na ‘yun feeling ko para ulit naging kami. Pero wala naman kaming usapan na ganun. Kahit may mga nagpaparamdam sa’kin at nanliligaw I always say na may boyfriend na ‘ko at siya nga ‘yung tinutukoy ko na boyfriend ko. Nu’ng una lagi siyang natawag, nagte-text pero nu’ng simula nu’ng lumalabas na kami parang dumalang na ‘yung pagtawag niya sa’kin.

    DJ Chloe, don’t get me wrong. ‘Di naman ako assuming pero ano ba dapat kong isipin sa’ming dalawa. ‘Di ko rin kasi siya maintindihan. Para kasi siyang poker person. He’s always texting me in the morning (“maganda ka at ang umaga”). As in araw-araw ‘yun. Pero after that text wala na. Minsan masusundan sa lunch time o sa hapon. Ayaw ko naman umasa sa kanya pero alam mo ‘yun na I’m hoping. Kasi I’m separated to my husband and I have three kids. Eh siya single pa. Until now na nandito ako sa Dubai nagcha-chat pa rin kami. Ayaw ko naman siya tanungin kung ano ba talaga kami. Minsan iniisip ko na ‘wag na magmessage sa kanya but I can’t do that. I’m planning na umuwi na ng Pinas at sinabi ko din sa kanya kasi umaasa nga ‘ko n magkakalinaw kung ano ba talaga ‘ko sa kanya. Dapat pa ba ‘ko umasa? Thank you, DJ Chloe for having time to read this. I’m always tuned in to Easy Rock kahit nandito na ‘ko sa Dubai. God bless!

    Shayne

    Hi Shayne!!!

    Please don’t think that I will sympathize with you when you told me about your sad story sa husband mo ha?

    While it may be true, it’s not enough reason para sirain mo ang buhay mo. And yes, you are already starting to ruin your life because you started believing the lies you were told  by the Mr. Chinito of your life.

    Single pa siya hanggang ngayon? It’s either super pihikan siya, sobrang nag-eenjoy sa buhay binata, o kaya naman lalaki din ang gusto niya.

    Don’t ask him anymore kung mag-ano kayo because if there’s something between the two of you, siya mismo magsasabi sa’yo kung mag-ano kayo. I always say this, if a man loves you , you will know. If not you will be confused. Since you are confused, malamang hindi love and pakay niya sa’yo.

    You said, he started to make iwas noong lumabas na kayo. Does that mean you went to bed with him? If yes, baka ‘yun lang talaga ang pakay sa’yo ng ex mo and since nakuha na niya ng ‘di siya nahirapan, pa text-text and call lang, eh malamang, ayaw niya na. A man either gets hooked on you and starts loving you more after making love with you or he starts to abhor you. If it’s the latter, then not even the best acrobatics in bed or the sexiest body you have can make him stay.

    ‘Wag mo na siyang problemahin, Shayne. Kasi ‘di ka niya pinoproblema, problemahin mo na lang pa’no mababago ang buhay mo at pa’no ka matututong maging masayang mag-isa.

    Hindi lang lalaki ang kukumpleto sa buhay mo. Actually, tatahimik ang buhay mo kapag-inuna mo munang mahalin ang sarili mo.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.