CHLOE'S INBOX
My boyfriend can’t give me what I want
September 12, 2018
-


Hi DJ Chloe,
I just want to share my past relationship. Actually, we broke up last June 26, 2018. Kaya heto, am still in pain kahit alam kong kasalanan ko kung bakit kami naghiwalay. To cut the story short, lately po kasi masyado akong naghanap. Naghanap sa part na ‘di nya ako mai-date, ‘di ako mabigyan ng flower, basta sa normal relationship na my bonding sa labas. He walked po sa SM and ako po ay medyo mataas po compared to him sabi nga po niya langit daw ako at lupa lang siya. Pero DJ, tinanggap ko po siya kahit alam kong mababa siya kasi mahal ko siya. Setup namin kasi dadaanan niya ako sa house ko (bachelor living po kasi ako and 8am-5pm lang pasok ko). Siya kasi 11am-8pm tapos uuwi kami sa kanya then luluto siya ng kakainin namin. Lagi pong ganun po. Past few weeks po lagi kaming nag-aaway pero madalas po ako ‘yung gumagawa ng away. Dumating pa ‘yung point na nakikipaghiwalay na ako kasi pagod na ako. Lagi na lang akong nagagalit. DJ, marami kasi akong napansin na pinagbago niya (alam mo na, girl’s instinct?). Then nu’ng last na nagalit ako nagalit din siya kaya naghiwalay na kami. After two (2) days po kinuha ko lahat ng gamit ko sa house niya. Wala siya nu’n then after two (2) days I texted him na sabi ko sana mag-ayos pa ako, na mahal ko siya at miss ko na siya. Nagsorry din po ako sa lahat ng nagawa ko. Then I tried to call him but my call ca’nt connect na kasi he blocked my number pati po sa Facebook blocked na ako. Masakit kasi mahal ko siya. Napapaisip lang ako bakit niya ako kailangang i-block sa lahat? Sana po mareplayan niyo po ako.. kahit hindi nyo na po ito basahin on-air. Private message na lang po. Maraming salamat po and more power to your station. God bless.
Hello!
Ay sorry po! Nabasa ko na. But anyways, lahat naman may hangganan. Baka sadyang napundi na siya sa’yo. Sa akin lang ha, sa sulat mo pa lang masyado mo ng minaliit ‘yung tao. Kailangan sabihin na mas mataas ka? Lahat ng nasa taas bumababa din. Ikaw na rin ang nagsabi, naging mapaghanap ka. Kung gusto mo pala eh someone who can give you flowers, mai-date ka lagi, dapat mapera pinatulan mo. Money maybe needed in a relationship, kailangan siya, pero hindi naman siya ang kabuuuan ng lahat ng ikasasaya mo sa isang relasyon. Sa kwento mo, malaki din effort ng guy sa’yo ha. At ‘yan usually ang paraan ng lalaki para maipakita sa’yo na mahal ka niya, paglaanan ka ng time and effort. Now that’s he’s blocked you take the cue from there. It only means, he doesn’t want to have anything to do with you anymore. Now if gusto mo talaga siya, mag effort ka, puntahan mo kausapin mo. Malay mo, maareglo mo.


-
COMMENTS














