CHLOE'S INBOX
Be so busy being successful that you forgot it happened
May 22, 2019
-


Hi DJ Chloe,
Pano ba mag move-on sa isang emotional cheating? Ano ba dapat kong gawin? May boyfriend ako (pero hiwalay na) ng almost seven (7) years. Nagpa-plano na sana kami magpakasal two (2) years from now, nag-iipon na kami. Until last week we had this huge fight. Sa almost seven (7) years of relationship namin, never niya ‘kong nagawang ipakilala sa family niya. ‘Yun na lang hinihintay ko noon pa kasi para sa’kin security ko ‘yun na ako lang talaga. Sobrang big deal sakin no’n. Tiniis ko ng ganong katagal kasi tiwala ako sa kanya na gagawin niya ‘yun. Hanggang nagsend siya ng convo with other girls na puro sweet messages, since hindi ko nagagawang hawakan ang cellphone niya. Nashock na lang ako kasi ‘yung convo dated two (2) years ago pa. Hindi ko alam kung nagmamalaki ba siya or nakadagdag ba sa pagkalalaki niya na ‘yun. Nakipaghiwalay ako kasi sobrang sakit sa’kin. Hindi ko siya kayang patawarin sa nagawa niya. Nadepress ako na umabot na ‘ko sa point na hindi nakakakain ng maayos. Hindi nakakatulog at hindi na nakakapagfocus sa work. Gusto ko ng tulungan sarili ko. Pero hindi ko alam kung saan at paano ko sisimulan.
Thank you.
Ms. B
Hi Ms. B,
Shouldn’t you be happy instead that you’ve learned about the truth before you signed any contract that’s binding for life and without any expiration? Sabagay, may annulment naman na pala. Sending you that convo is a deliberate action to hurt you and to call it quits. Masakit lang talaga kasi 7 years mong inakala na kayo na hanggang huli, nag-antay kang ipakilala sa magulang na kahit kailan pala hindi mangyayari kasi wala naman siyang planong ipakilala ka talaga. The pain will eventually fade, and when it fades it will make you stronger and wiser. What’s the lesson here? Na kahit akala mo ‘yun na… hindi pa pala. I believe someday, when you meet the right person you will understand why things happened the way it happened. Masakit lang talaga pero lilipas din ‘yan. How are you going to help yourself? Be very busy na pag-uwi mo pagod na pagod ka na matutulog ka na lang. Travel, magbakasyon, go out with friends, ‘yung mga nakalimutan mo mula ng magkalovelife ka.
-
COMMENTS















