By heart not only but by blood
X

CHLOE'S INBOX

By heart not only but by blood

June 10, 2019

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---BY-HEART-NOT-ONLY-BY-BLOOD

    Hi DJ Chloe,

    I messaged you few years ago tuungkol sa problem ko sa partner ko…good thing is we are together now for three (3) years dahil from Cubao lumipat na kami ng kids niya dito sa Laguna para magkasama-sama na kami. My problem now is his ex is back. Well not totally back naman. I mean after so many years ay heto siya at nag fi-feeling nanay sa mga anak niya na iniwan niya. Alam ko naman na siya ang tunay na ina ng mga bata and I admit na na-iinsecure ako sa kanya. Ang ganda niya, ‘di hamak sa akin. Last January her daughter turned 18 and ako as a step-mom, ako ‘yung punong abala sa preparations ng debut. Nakakainis lang na ‘yung momentum ko as a stage mother sa bata ay pakiramdam ko naagaw sa akin dahil siya pa ‘yung nakapagbigay ng speech. While ako is haggard na haggard sa pag-aasikaso. Sumama talaga ‘yung loob ko kasi sa mga pictures nu’ng event wala man lang kami matinong kuha ng debutant. Pati halos karamihan ng mga pics ay wala ako. I did tell to my partner about sa nararamdaman ko and he assured naman na wala na siyang feelings para sa ex niya at ako na ang buhay niya. Pero ‘di ko pa rin maalis sa sarili ko ang mainis at mainsecure. Pero I’m not jealous naman. I believe magkaiba naman ‘yung nai-insecure sa nagseselos, ‘di ba DJ Chloe? Naiinis din ako kasi parang after ng lahat-lahat ng ginawa at efforts ko sa mga bata paramg nababalewala dahil I’m just their step-mom ang she is the biological mother. Thank you, DJ Chloe at pasensya na sa mahabang litanya ko. More power to your program.

    Hi Step Mom,
    No one told you to give it all sa mga anak niya, no one told you to do things for them….you did it because you wanted to, right? Now if you want to get credit for whatever you’ve done for these kids, it will discredit the goodwill.

    Neng, kahit anong pagpapakananay ang gawin mo, hindi mo pa rin mga anak ‘yan, you can never demand for loyalty, neng…that’s the hard and sad truth.

    So if I were you, mahalin mo at alagaan ng walang inaantay na kapalit, these kids know who is there and who has been there for them, I’m sure alam nila na mabuti kang step mom sa kanila.

    Now, with regards to your insecurity kay ex, isipin mo na lang na ikaw na ang kasama ngayon at hindi na siya. If you feel insecure, pwes magpaganda ka rin, mag-ayos, at ‘wag magpabaya sa sarili.

    If I were you nga sana nu’ng nandun siya sa debut binigyan mo ng gagawin, para parehas kayong busy, tutal siya naman ang nanay, at hindi siya bisita.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.