CHLOE'S INBOX
If they can do it now, they can do it again
May 27, 2019
-


Hi DJ Chloe,
Please hide may real name. Gusto ko lang pong humingi ng advice. I am 30 years old may two (2) kids po. And may live-in partner po ako, 14 years na po kmi magkasama, good provider po siya, okay naman pong lahat, hanggang isang araw nalaman ko po na mayroon siyang katawagan sa phone, matagal na po akong naghihinala pero ayoko pong bigyan ng kulay, dahil wala po akong ebidensya. And then one day naiwan niya po phone niya, noong nakita ko po may missed call, tinawagan ko po ‘yung number. Gamit ‘yung cellphone number ko, and then sinagot nga po, babae ‘yung sumagot. Grabe ang kaba ko! Ang ginawa ko po sa kagustuhan ko pong malaman kung sino ‘yun, ginamit ko po ‘yung cellphone niya and then sumagot. Binosesan lang po kung sino ‘yung magsasalita. Hanggang sa nagpanggap po ako na ako ‘yung partner ko, parang nakakatunog po ‘yung girl na hndi ‘yung partner ko ang nagte-text sa kanya. Kasi nagslita pa po na hindi ikaw ‘yung katext ko! Papaikliin ko na lang po, kinompronta ko si partner kung sino ‘yun, and then ayaw niya umamin. Hanggang umiiyak po ako nang umiiyak, nilapitan niya po ako, at sinabing sasabihin niya ‘yung totoo pero ‘wag akong magalit.
“NILILIGAWAN KO PA LANG NAMAN,” sabi nya. ‘Di ko po alam gagawin ko para po akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Sobrang nadisappoint po ako, DJ Chloe. Humingi po siya ng tawad paulit-ulit pero ramdam ko po meron pa! Para po akong nadepress. Madalas pinag-aawayan po namin ‘yun. Sinabi niya wala na daw po! At ‘di daw sila nagkaron ng relasyon, kaibigan lang. Same po sila ng work, ibang department lang po. Kada aalis po siya nandon po din ‘yung hinala, ‘di ko pa alam gagawin ko. Please, bigyan niyo po ako ng advice. Alam ko po mahal niya po ako, ramdam ko po na nagsisisi siya, kaso ‘di ko lang po alam na baka kaya niya ako kino-comfort kasi meron pa din po. Madalas tinatawagan ko siya, busy phone niya, and then hahanapin ko sa call log nakabura ‘yung oras ng tawag ko sa kanya. Ayoko po siya mawala, natatakot po ako. Pero paano po kung meron talaga? Please, help me. Ayaw ko naman pong lokohin ang sarili ko, sinabi ko naman po sa kanya kung ayaw niya na at pagod na siya bitawan niya na ako. ‘Di daw po niya kaming kayang iwan ng mga bata. Kaya hindi ko po alam kung anong nasa isip niya. Kailangan ko na lang po bang ipikit ‘yung mga mata ko sa nangyayari!? Stay or leave? O panghawakan ‘yung sinabi niya na wala na, at ‘di niya na uulitin. Thank you, DJ Chloe and sana mapansin mo po ito. God bless po.
Hi Myra,
It will be a bit hard for you to trust him again… nalamatan na eh. It is really up to you if you will give him another chance, you have kids to consider kasi. I can’t just tell you na iwanan ‘yan, lalo’t ramdam ko, asa ka sa kanya. A woman who has a career or who is not afraid to leave her cheating partner is someone whom I believe is able to fend for herself. ‘Yan ang mahirap kapag wala kang trabaho at asa ka lang sa asawa mo, you will just take in anything he does, kasi wala kang kakayanang iwanan. Eh kung may trabaho ka din? Lalo kung mas malakas kang kumita sa kanya at kaya mong buhayin mga anak mo mag-isa, baka nag-impake ka na at iniwan mo na ‘yan. I cannot imagine na umamin pa sa’yo talaga, buhay-binata pala siya dahil nililigawan niya pa lang. You know, if you can’t leave yet, then just start finding a job and start saving. He might do it again, you know. It’s a good thing you’re not married to him yet. If you can’t really leave him, then endure everything “for the sake of the kids”. Sa totoo lang, problems like yours eh hirap na hirap akong payuhan kasi ako ang first instinct ko talaga…is to LEAVE.
-
COMMENTS















