Can't fix a room, can't fix a life
X

CHLOE'S INBOX

Can’t fix a room, can’t fix a life

October 28, 2018

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---CAN'T-FIX-A-ROOM-CAN'T-FIX-A-LIFE

    Hi DJ Chloe!

    Ito na naman po ako. Manghihingi po ulit ako ng advice sa inyo. But before that, gusto ko po muna magthank you sa advice niyo po sa akin sa previous concern ko. So ito na nga. Bumukod na po ako sa father ko. ‘Yung boss po ni tatay, nagbigay ng isang condo unit para tirhan ko at magland lady sa ibang units niya sa building na ‘yun. Ang kasama ko po dun sa unit is ‘yung close friend ko na babae. First two (2) months okay pa. Pero as time goes by, nagiging dugyot na sa bahay. Nandyan na ‘yung ‘yung pinagkainan niya iiwan niya lang sa lababo tapos aabutin ng ilang araw bago hugasan. Noong una, ako pa naghuhugas pero napapansin ko, dumadalas na. Hindi nagwawalis sa bahay or kahit konting linis man lang. Gets ko naman na pagod siya from work. Madaling-araw ang pasok niya at hapon ang uwi. Ako naman is tipikal na office hours. From 8am-7:30pm ‘yung work ko. Pero kasi parehas lang naman kaming pagod pero hindi naman ibig sabihin n’un na papabayaan na ‘yung bahay na makalat at madumi. Pinagsabihan ko na sya na “Uy, linis naman tayo ng bahay” or “Uy, wag na TAYO mag-iwan ng hugasin kasi iniipis na tayo” kaso po nagmamaktol. Nakakainis lang na pagod at gutom kang uuwi sa bahay tapos ganun pa dadatnan mo. Lalong nakakapagod. Dumating pa ‘yung time na sa sobrang inis ko, one (1) week akong ‘di umuwi ng bahay. Ako na yung nag-adjust. Tapos pag uwi ko, puro agiw na sa kwarto, ‘yung electric fan sobrang kapal ng dumi, ‘yung cr ang baho at nangingitim na ‘yung tiles. Sobrang nakakainis. Pero ako pa din ‘yung naglinis. To the point na nagleave kami ng boyfriend ko sa trabaho namin ng weekday para lang maglinis buong araw kasi pinamugaran na din kami ng ipis. Then umuwi sya ng hapon, nakita niya kaming naglilinis. Dumiretso lang siya sa kwarto at naglaro sa phone niya. Walang tulong na inoffer. Hanggang sa nakita namin na ‘yung laundry basket niya ‘yung pugad ng mga ipis. Kasi ang daming mga pagkain sa bag niya na inipis na. ‘Yung mga pinagbalatan ng mga pagkain at mga tira-tira nun. So okay na. Nalinis na. May isa akong friend na nakitira din sa bahay. ‘Yun ‘yung nakakatuwang ko sa paglilinis. Pero mas lumala si Friend1. Kahit nakikita niya kaming naglilinis, dedma. ‘Yung mga pinaghubaran ng damit, towel, ultimo panty niya na gamit na, nakakalat lang. Masisiraan na yata ako ng bait. Kahit gustuhin ko man na paalisin siya sa bahay pero naaawa naman ako dahil wala siyang kamag-anak dito sa Manila. DJ, please help me paano ko ba sya pagsasabihan in a polite way? Kasi kahit si Friend2 naiinis na din dahil ang kalat ni Friend1.

    Hi Dear,

    You didn’t mention kung siya ba ay umuupa or libre ang pagtira niya sa’yo, kasi kung libre, sobrang kapal ng mukha.

    May mga tao talagang ganyan, parang ahas, ‘yun bang pag nagtanggal ng balat, nakakalat ‘yung mga balat, hahaha. I know exactly how you feel, hahahaha!

    Ang hirap pa naman sa mga ganyan imbes na makaramdam, hahayaan ka lang.
    Well there is no other way but to talk to her, and tell her upfront and with all honesty na hindi niyo gusto ng kostumbre niya, na kung ganyan siya, maghanap na siya ng ibang titirahan niya dahil mabubulok kamo ang condo niyo sa kadugyutan niya.
    Tutal, makapal din naman siya, kapalan mo na din mukha mong pagsabihan siya, otherwise, pagtitiisan mo na lang ‘yan lagi.

    Now, if she’s renting, at least use the money and hire someone who will come and clean every week at least, para nakakapagpahinga ka. Pwede naman ibayad na lang ‘yan. Pero kung hindi at libre pa. Tulungan mo ng magbalot at maghanap na siya ng ibang tirahan niya, naaawa ka. Eh hindi nga naaawa sa’yong ginagawa kang cleaner niya. May mga taong ganyan, walang kaayusan sa bahay at sa buhay.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.