Can't Get Away From The Mother-In-Law
X

CHLOE'S INBOX

Can’t Get Away From The Mother-In-Law

August 1, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---CAN'T-GET-AWAY-WITH-THE-MOTHER-IN-LAW

    Dear DJ Chloe,

    Good day po! Please po hide my identity. Just call me GA. Nu’ng college po nabuntis ako at ‘di kami ikinasal ng nakabuntis sa akin. Tuloy pa rin ang buhay ko nun. Buong puso akong tinanggap ng pmilya ko. May naging best friend ako nu’ng college na minahal ko ng sobra pero hindi naging kami kasi sabi niya pag-aaral muna. After college, nu’ng nagtatrabaho na ‘ko eh nagkikita pa rin kami pero friends pa rin kami. Nag-aral siya ng law at nakatapos at naging bar top-notcher. Nu’ng naging lawyer na siya tsaka naging kami. Tinanggap niya ako na may anak sa pagkadalaga pero ang nanay niya ‘di ako tanggap. Abogado daw ang anak niya tapos ako lang ang mapapangasawa. Gusto daw niya doktora mapangasawa ng anak niya. Kahit na ayaw sa akin ng nanay niya ay tuloy pa rin ang relasyon namin. Inamin sa’kin ng boyfriend ko na nu’ng college pa lang mahal na niya ‘ko at umiiyak siya nu’ng nabuntis ako. ‘Di siya nag-girlfriend at ako unang girlfriend niya. After one and a half years ng relasyon namin ay nagdecide na kaming magpakasal. Nagpakasal kami na wala ni isang kapamilya niya na nandoon nu’ng kasal na’min. Nu’ng nalaman nu’ng nanay niya na nagpakasal na kami galit na galit, ayaw niya talaga sa’kin. Maraming masasakit na salita siyang sinabi sa’kin na hanggang pati asawa ko nakaaway na niya. Pero isang araw nagkabati din ‘yung asawa ko at nanay niya pati ako. Nagpupunta siya dito sa’min. Ang problema naman masyadong pakialamera ‘yung byenan kong babae. Pati mga niluluto ko pinapakialam niya. Tapos kung ano-ano mga sinasabi niya sa mga kasambahay na’min laban sa’kin. Lahat ng pakikisama ginawa ko sa byenan kong babae pero tlaagang ‘di kami magkasundo, iba talaga ugali. Sabi nga ng mga kapatid ng byenan ko eh lahat sila nakaaway na, kung pwede nga lang daw na itakwil na ‘yung kapatid nila gagawin nila. Mag 10 years na po kaming kasal ng asawa ko at may apat na anak pero ‘di pa rin po kami magkasundo ng byenan ko. Bigyan niyo naman po ako ng advice kung ano pa pwede kong gawin para maging okay na talaga kami ng byenan kong babae? Salamat po.

    GA

    Have you tried praying for her? This will always sound cliché pero try mo. You can’t win this fight alone. You have to ask God to do the fighting for you.

    Kasi ako that’s what I do. Just as I pray for the people I love, I also pray a lot for the people who hate me, that they stop hating me that God touches their heart so they stop doing and saying things against me. :)

    She is your mother-in-law, hindi man siya ang pinakasalan mo, pero nanay siya ng taong pinili mong makasama for life. So pakikisamahan mo talaga siya. Regardless of all the “evil” things she’s doing ‘wag mong bweltahan or balikan ng masama.

    Matatapos at titigil din ‘yan lalo’t ‘di mo papatulan. The best thing you can do is still to treat her right, and to pray for her because only God can change and touch her heart.

    Befriend her, no matter how hard it is. You destroy an enemy, when you make a friend out of them.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.