When She Can't Wait For Me Anymore
X

CHLOE'S INBOX

When She Can’t Wait For Me Anymore

June 14, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---WHEN-SHE-CAN'T-WAIT-FOR-ME-ANYMORE

    DJ Chloe, good morning.

    I write this letter because I have no idea about it. Hihingi lang po sana ako ng payo sa inyo. Naguguluhan po kasi ako at nais ko malaman kung pano gagawin ko. Nagkaroon ako ng girlfriend last July 2015. Mahal na mahal namin ang isa’t-isa. Hanggang sa tumagal kami ng 19 months. Wala pa siya work at ako naman sadsad sa trabaho. Long distance kami. Laguna ako siya Quezon Province. Hanggang isang araw bigla siyang nakipagbreak at wala na daw ako paki sa kanya lagi daw work inaatupag ko. Masyado lang ako busy pero ‘di ako nagkukulang sa kanya. Bihira kami magkita pero ‘di naman madalang na madalang. Nabisita ako sa kanya. Mahal na mahal ko siya at iniingatan ko virginity niya ng 19 months at nangako siya na sa akin lang. Hanggang isang araw nagtext siya para makipaghiwalay. May nakilala siyang lalaki na may asawa’t anak. Tapos naging sila nu’ng lalaki ng one to two months. Ngayon nagdesisyon siya na makipagbalikan sa akin at nagsisisi siya at inamin niya na nakuha ng lalaking iyon ang virginity niya na ipinangako niya sa akin. Tagal kong iningatan ‘yun pala sa iba mapupunta. Dun pa sa ‘di niya kilala at panandalian lang nakilala. Iniwan na siya ngayon matapos siya makuha. Sa ngayon ay nagcha-chat na siya sa akin at huminhingi ng kapatawaran sa mali niyang nagawa. DJ, ano po ang aking gagawin? Patatawarin ko pa ba siya matapos niyang ibigay sa ibang lalaki ang kanyang pagmamahal at nagpaloko ng sandalian? Thanks po in advance.

    Reymart

    Hi Reymart!!

    Thank you for your letter.

    I see two issues.

    First is, malaking bagay sa’yo ang virginity ng isang babae and I’m not saying it’s wrong, ikaw ‘yan eh and if it’s that big deal for you, then by all means, drop her.

    Another is, your girlfriend cheating on you. Na hindi mo na masyadong napansin dahil nakatuon ang pansin mo sa virginity niya.

    You can forgive her but I am sure that it will always be an issue to you na hindi na siya virgin, in the same way na magiging issue palagi na niloko ka niya, at dahil dun sa ginawa niya nawala sa’yo ang pinaka iingatan mo sa kanya.

    So if big deal sa’yo ang pagiging virgin ng isang babae, let her go. Because she no longer have with her what you want from her.

    Besides, nagawa ka niyang lokohin at iwanan dahil sa iba, ‘di ba? She can or might do it again.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.