Cheating Is A Choice, Not A Mistake
X

CHLOE'S INBOX

Cheating Is A Choice, Not A Mistake

July 3, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---CHEATING-IS-A-CHOICE,-NOT-A-MISTAKE

    Good morning DJ Chloe,

    Please try to help me po kahit ‘wag niyo na po i-post ‘to. Lagi po kasi akong nagbabasa sa mga post niyo at natutuwa po ako dahil ang galing niyo pong mag-advice. Wala na po kasi akong mahihingan ng advice dahil ‘di naman po alam ng mga friends ko ‘to at lalong hindi sa family ko. Kayo lang po pumasok sa isip kong makakatulong sa’kin. Sobrang naguguluhan na po kasi ako. Dati po muntik na ‘ko magsuicide dahil sobrang daming problema. Pero naisip ko ang anak ko.

    I’m a single mother po. Naging OFW po ako at may nakarelasyon na may asawa na. Ka-work ko po siya DJ Chloe. Open po siya sa’ming mga ka-work niya dun about sa kanila ng asawa niya. Na laging nag-aaway daw sila. Nang na-fall na lang po kami sa isa’t isa. Actually, crush niya daw po ako since nu’ng dmating ako dun. Pero ako sa kanya, as in wala talaga kahit crush, hindi naman. Ayun po, ‘di ko na po pahahabain. Nagkarelasyon po kami. Umuwi na po ako ng Pinas, meron pa din po kaming relasyon. Last month nagresign na din po siya at kakadating lang din po sa Pinas. Nakipagkita po ako at sinabi na sa kanya na last na ‘yun. Sinabi ko kasi sa kanya na need na namin ayusin buhay namin. Na ayusin niya na family niya at magf-focus na ‘ko sa anak ko at sa bagong trabaho ko dito sa Pinas. Mahal na mahal ko po siya, DJ Chloe. Pero naawa din po ako sa asawa niya dahil nabuntisan lang din siya ng ibang lalaki at ‘yun ‘yung nagpakasal sa kanya (may isa na din silang anak). ‘Yun po naputol na ‘yung communication namin, block na siya sa Facebook ko (lagi po kasi ako nakakakita ng family pic nila). Hanggang nagmessage ulit siya sa’kin, hindi ko po nireplyan. At kagabi po may nagmessage sa’kin number lang, nag-hi. ‘Pagcheck ko sa Facebook kung kaninong number ‘yun sa asawa niya. ‘Di ko po alam kung re-replyan ko ‘yung girl at humingi ng sorry. Gusto ko na po kasi matahimik na buhay at maayos na din po. Pero gusto ko rin po magsorry sa girl pero baka lalong lumala at magwala pa ‘yung girl. Please help me po. Thanks in advance po, DJ Chloe. Sorry sana naintindihan mo message ko, magulo.

    Miss A

    Palagi kong nababasa sa mga sulat na ganito ‘yung  “gustong magbago”, “gustong tapusin”, “ayusin ang mali”,  “magfocus na lang sa anak.”

    Bakit ‘di na lang gawin? Bakit kailangan ba ng permiso kung gusto mong ayusin ang buhay mo? At itama ang mali mo?

    Miss A, at sa lahat ng nagco-contemplate na aysuin ang buhay nila. Walang deadline ang second chance unless mamatay ka na. Anytime you can always find a day in the calendar to start again!

    Walang maraming satsat, gawin na lang.

    Hindi mo kailangan magsorry kahit kanino kasi ikaw din mismo, you were also taken advantage of because of your weakness.

    Kung gusto mo talagang mabago ang takbo ng buhay mo, ikaw ang maglaho sa buhay nilang mag-asawa. Kahit Facebook mo i-deactivate mo. Magbago ka ng number at never ka ng magtanong pa or magresearch about them. Stop thinking about him or them and just MOVE ON WITH YOUR LIFE and fix whatever is left of you and your child.

    Bigyan mo ng direksyon ang buhay mo. Walang sinumang tao o lalaki ang makakapagbigay ng direksyon sa buhay mo or makakapagpasaya sayo kundi sarili mo, okay? Tigilan na ang drama, aksyon teh! Ang pagsasaayos ng buhay ay hindi sa salita kundi sa gawa! Mygad, grow up!

    One more thing kung palagi silang nag-aaway mag-asawa, oh eh ano? Gusto mo magreferee?  Gusto mo ikaw ang taga-aliw ng lalaki after ng gyera nila? Here’s the news: walang mag-asawang ‘di nag-aaway.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.