CHLOE'S INBOX
Cheating Has No Defense
March 28, 2017
-


Hello, DJ Chloe! I’m here again to share my story. I sent you my story way back 2014 about my foreign lover. Although I’m married to a Pinoy we are four years in a LDR. Now, he doesn’t know about my husband here and also my husband here doesn’t know anything about my chat mate became my real lover. He visited me here in Philippines for the 4th time and we spent long days together during his visit and wala akong ibang masabi kundi NAPAKASAYA KO!!
Sa husband ko ‘di ko nararamdaman ‘yun. Palagi na lang nag-aaway simula’t sapol. Kaya naging ganito na rin ako, walang peace of mind. Husgahan man ako ng mga tao sa ginagawa ko, okay lang. Lahat kulang sa asawa ko, ni walang trabaho, may bisyo pa, pano kang gaganahan kung gutom at hirap lang naman ipaparanas sa’yo. Kuntento na nga sana ako sa kaya niyang buhay sa’min ng mga anak ko, kaso ang ayaw ko ‘yung ‘pag wala siyang tama ng bisyo niya ako ‘yung napagbubuntungan niya. Kaya masyado na ‘kong nahuhulog sa foreign lover ko. Sa kanya ko nararamdaman ‘yung pgmamahal at care na hinahanap ko kaso, DJ, nakokonsensya na ‘ko sa kanila. Parehas ko silang niloloko, please, hide my identity and God bless.
Maggie
Hi, Maggie!
Yeah, I remember you.
Nu’ng nawala ka to spend your time with your lover? Anong nagging paalam mo sa asawa mo? Buti ‘di ka nasundan. Or kaya walang nakakita sa inyo. Kasi maliit lang ang mundo.
Anyways, wala naman akong magagawa eh, makinig lang sa’yo. ‘Di ko rin naman masabi na suportado kita. Maaring masaya ka ngayon pero alam mo naman na may mali sa sitwasyon mo. Kasi nakokonsensya ka. Susunod niyan matatakot ka na, pano ‘pag nalaman ng asawa mo? Fear is the tax that conscience pays to guilt.
You have to let go of one. If not the two of them, and be alone, and heal yourself.
I do not know the solution to your problem. But what I know is you cannot be completely happy if you’re living a sinful life–a life full of lies and deceit.
Hiwalayan mo ang asawa mo kung ‘di mo na kayang makisama sa kanya, kung ‘yang foreigner ang gusto mo. At least, make things right. Sa lahat ng nangyayari ngayon sa buhay mo, nag darasal ka pa ba? Paano ang mga anak mo? Malalaki na ba sila? Kung maliliit pa kailangan nila ang nanay nila.
Alam mo, lahat ng sakrispisyo talaga nasa ina.
Pero ‘di mo kelangan magsakripisyo sa masamang ugali at sa bisyo ng asawa mo. P’wede mong hiwalayan ‘yan at sa’yo ang mga anak mo. Kaya lang may third party ka eh. Sana inayos mo muna ang gulo. Hindi ‘to maaayos ng isa pang gulo at sakit ng ulo.
-
COMMENTS















