Chloe's Inbox - When adults live under one roof
X

CHLOE'S INBOX

Chloe’s Inbox – When adults live under one roof

November 25, 2019

  • EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - WHEN IN-LAWS LIVE UNDER ONE ROOF

    Dear DJ Chloe,

    I have long time relationship po—eight (8) years kami live-in partner, my one child na kami at 12 years gap naming. Mas may edad siya. Kasal pa po siya sa unang asawa niya. Now, ang issue ko kasi ngayon, nag-away kami dahil sa kapatid niya. Pinalayas ko sa bahay. ‘Yung brother niya at family nu’ng guy dun sa’kin nakatira for almost eight (8) months. Ang usapan namin two (2) months lang. Nagkawork naman pero wala kinikita. One week, two (2) weeks, wala. Uuwing walang pera. Ngayon, kinausap namin sila. So ang nangyari ‘yung girl ang nag-apply sa BPO company. Tanggap naman siya. Ngayon, naiiwan ang lalaki, siya nagbabantay sa mga anak nila. Tuwing morning na lang walang ginwa kundi manood agad ng TV tapos relax lang palagi sa bahay. Para bang siya nagbabayad lang. So nainis ako. Sinend ko pic ginagawa ng kapatid niya. Nagalit siya sa’kin at sinabihan akong traydor, walang kwentang tao, etc. At ang masakit sinabi niya pa dun sa kapatid niya. Ngayon, narinig kong nagbanta kapatid niyang, “makakapatay ako ng traydor dito.” Gumanon sa loob ng bahay. ‘Yung partner ko nasa office that time. Medyo mabigat na kasi. Dami samin nawala simula nu’ng lumipat sila. Nawalan kami ng internet cable, etc. Sa’kin lang sana makita mo ding nagsisikap. Lalaki ka, so asa palagi sa ate niya. Naging mali po ba ako sa pagsita sa kanya? ‘Wag na lang po bangitin name ko at sana mabasa niyo po ito, idol Chloe. Salamat.

    Hello there!

    Hindi. Ba’t ka magiging mali sa pagsita mo. Depende na lang siguro kung pano mo sinita. You just sent his pic sa kapatid niya, ‘di ba? In the first place bahay mo ‘yun at nakikitira sila. That’s the thing. Fish and visitors stink after three (3) days, sabi nga nila. Don’t feel bad for putting your feet on the ground about the situation, kesa naman ikaw ang magtiis. Mahirap lang kasi s’yempre, kapatid ng partner mo ‘yan. Blood is still thicker than water. You should talk to your partner, and tell her na kausapin ang kapatid niya. It’s really not good na magkakasama kayo sa bahay, conflict lagi ang resulta niyan.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.