CHLOE'S INBOX
Chloe’s Inbox: What you allow will continue
August 1, 2019
-


Good day DJ Chloe,
Hindi ko po akalain na magme-message po ako sa inyo to seek advice. Lagi po akong nagbabasa ng mga Inbox mo sa Facebook. Here’s my situation po, this guy is on his 40s already and I’m 30 po pala. Patient ko po siya at ako po ‘yung laging assigned na nurse on-duty niya nu’ng naka-admit siya sa hospital na pinagta-trabahuan ko. After niyang madischarge at gumaling nagmessages po siya sa’kin at nagthank you for taking care of him. As a nurse po s’yempre ginawa ko lang naman ‘yung responsibility ko sa patient ko. Pero masaya po ako na may naka-appreciate ng pagod ko. Then he asked me out for a dinner para magthank you personally, then I agreed. To make the long story short po, napadalas po ‘yung pagkikita namin at madalas kami mag-out of town trip. Nagconfess din po siya sa’kin ng feelings niya at sabi niya mahal niya ‘ko. Nagkaron po kami ng mutual understanding pero for him boyfriend-girlfriend relationship na. By the way, he’s married but separated na for five (5) years with one (1) daughter. Hindi na daw sila nagkikita ng asawa niya since then. Ako naman po may boyfriend na ibang nationality for nine (9) years kasi I worked abroad po. At magbabakasyon ‘yung boyfriend ko ngayong August dito sa Pilipinas. Ma-effort po siya at ginagawa niya lahat para ipakita at iparamdam sa’kin na mahal na mahal niya ako. Pero DJ Chloe, sabi ko po sa kanya gusto ko lang siya maging kaibigan sa simula pa lang na magconfess siya sa’kin. Pero pinush niya pa din ‘yung gusto niya then eventually nahuhulog na din po ako sa kanya kaya gusto ko na sana itigil kung ano ‘yung meron at ginagawa namin. Nagui-guilty din ako kasi may boyfriend po ako. Nagsabi na ako sa kanya na tigilan niya na ako pero hindi daw po siya titigil at hindi niya po ako pakakawalan. Ayaw na daw po niyang mawala ako sa kanya. Gagawin niya daw po lahat para magstay ako sa kanya. Kakausapin niya daw parents ko at kahit boyfriend ko maging kanya lang daw ako. Hindi po alam ng parents ko ang tungkol sa amin. Ang alam po nila ‘yung boyfriend ko na ibang national ka-relasyon ko. Ayaw ko lang po dumating ‘yung time na gumawa siya ng move na ikakagalit ko at ikapapahiya ko sa magulang ko at sa boyfriend ko. Kahit anong gawin kong pakiusap hindi niya po ako pinakikinggan. Gagawin niya daw po kung ano sa tingin niyang tama para maipaglaban ‘yung pagmamahal niya sa’kin. Thank you DJ Chloe for your time reading my message. More power and God bless!
Ms. Kit
Hi Miss Kit,
Mukhang may obsession na siya sa’yo and it’s actually all because of you. This won’t happen if you did not entertain again and again. If you were not interested in him you won’t bother seeing him for dinner, kahit pa para magthank you. He can just send a cake or Amber’s bilao and pichi-pichi para sa inyong lahat diyan sa ospital if his intentions were to just be thoughtful for being taken care of while he was admitted there. Eh kaya lang nag-invite ng dinner, so probably naisip mo wala namang masama. Sinner lang naman. But look where it got you now? Napakasimple lang ng solusyon. Stop seeing him, stop talking to him. Tell him you’re not interested and that you only see him as a friend. Kasi may boyfriend ka na and committed ka. Ayaw tumigil? Pa-blotter mo ng harassment. Tapos. But wait, there’s more, it also seems you like him, ba’t ‘di na lang si foreigner ang bitawan mo? Kasi ‘di ka naman sasama ng sasama diyan eh, kung ‘di mo ‘yan gusto.
-
COMMENTS















