CHLOE'S INBOX
Chloe’s Inbox – It’s always important to live within your means
September 30, 2019
-


Hi DJ Chloe,
Sumulat po ako sa inyo para humingi ng advice. By the way, my name is Jessa, isang sales lady sa isang pinaka kilalang mall sa bansa natin. Minimum lang po ang aking kinikita kaya minsan nag-oovertime talaga po para makadagdag sa sahod ko. Gustuhin ko man umuwi ng maaga minsan pero wala kong magagawa kasi kapos ako, kami ng pamilya ko. Dalawa kaming magkapatid, ‘yung kuya ko may sarili ng pamilya at nakabukod na sa amin. Ang tatay at nanay na lang ang kasama ko sa bahay.
Ako, ang ika nga nila na, bread-winner sa pamilya sa nanay at tatay ko. Kaya pag may kailangan mag-OT, kukunin ko talaga ‘yung slot. Kasi ‘yung kuya ko ‘di rin naman nagbibigay sa bahay. Naiintindihan mo naman kasi nga pamilyado na siya. Sobrang tipid ko po sa sarili ko. Never ako nagfast-food pag lunch time. Never ako nag-taxi, Grab o Angkas man kahit late na ‘ko. Wala akong luho at ‘di mahilig sa material na bagay. ‘Di mo rin ako mayayaya sa mga galaan pag rest day. Wala rin kasi kong ipanggagala kasi sobrang sakto lang para sa renta sa bahay, kuryente, tubig, pagkain sa bahay. Kaya ‘yung igagala ko or ipangti-treat ko sa sarili ko dun ko na lang ilalaan. Dito na po pumapasok ‘yung problema ko, DJ Chloe. Nu’ng mga nakaraang buwan kasi laging sinasabi ng nanay ko na kulang kami sa budget at sa pangbayad ng kuryente.
Nagtataka ‘ko kasi computed lahat ng gastusin namin sa bahay. Pero ‘di ko na lang pinansin at nangutang na lang ako para pandagdag. Isang gabi hiniram ko ‘yung phone ng nanay ko dahil may kukunin akong number, ‘di ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero napunta ko sa online shopping app na ‘yun. Aba laking gulat ko na laging nag-oonline shopping ang nanay ko, umaabot ng Php600-Php2,000 ang na shi-ship na sa bahay ng wala kong ka alam-alam. May parating pa na dalawang shoulder bags, isang headset at dalawang pabango na nagkakahalagang Php1,900. Kung para sa iba mura lang ito pero para sa akin sobrang laking pera na nito na tipong nangutang pa ‘ko pandagdag sa kulang sa bahay. Pero ang malalaman ko lang may mga ganito palang binili nanay ko. Naiyak ako nu’ng nakita ko ‘to.
‘Di ako makatulog, OA man pero naiisip ko ‘yung mga pagkaing ‘di ko kinain, mga taong tinanggihan kong makabonding makapag-abot lang sa bahay. ‘Yung hirap ko kakatayo sa mall at takbo sa stockroom, tapos ‘yung nanay mo ipango-online shopping lang. Ano pong gagawin ko? Kung patuloy pa rin ‘yung nanay ko sa pagbili sa online baka maadik siya. Natatakot at hiya rin akong sabihin dahil ayokong masaktan siya at baka mag-away kami. Pero paano naman ako, pagod na rin po ako magwork. Sana mapayuhan mo ako at ng mga listeners mo. Thank you!
Hi Jessa!
You have all the right to feel what you feel.
Hahahaha, you know I usually get victimized by my daughter eh. Member siya nu’ng gang na, usually on a weekend may darating na delivery at sasbihing bayaran ko daw muna. Aba, may may mga parents din palang ganun.
Well Jessa, try your best na ‘wag magalit sa nanay mo. Kailangan mo lang siyang kausapin at sabihin sa kanya that you all have to live within your means.
Let her know that you know what she’s doing. And that you understand kamo. You wish you can give her the world, but your limited.
Once alam niya na alam mo ang ginagawa niya, malamang maglay-low ‘yan.
If ‘di tumigil, ikaw na magbudget, ikaw na magbayad ng bills. If she continues doing that, expect na budget sa pagkain niyo ang maapektuhan.
You have to let her know your sacrifices, otherwise, it will happen again and again. Sa mga magulang naman, kung may luho po kayo, ‘wag niyo nang ipakarga sa mga anak niyo. Work or do something so that you still earn. Para you can afford to still buy what you want. Retirement is something you should prepare yourself with because the expenses when you’re young and old and retired is the same!
-
COMMENTS















