CHLOE'S INBOX
Chloe’s Inbox – As they say, always expect the unexpected
October 29, 2019
-


Good morning DJ Chloe.
I’m an avid fan of your page po. ‘Di ko akalain na one day ako naman ang hihingi sa inyo ng advice. I need to hide my identity that’s why gumamit na lang po ako ng dummy account. I’m a stay-at-home parent, DJ. My husband is an OFW, may isa kaming anak. Okay naman po kami ng asawa ko, DJ. Pero bakit po naguguluhan ako or napapraning na. Kasi noon nagkaroon kami ng trust issues. Alam mo po ba ‘yung pakiramdam na kahit sa panaginip eh ‘di ko naisip na one day magcheat siya sa akin. May naging ka-chat po siya DJ at may asawa din naman ‘yung ka-chat niya. ‘Di pa naman po sila nagkikita in person kasi nasa ibang panig ng bansa ‘yung girl. Ang masakit po, DJ ‘yung naging ka-chat niya is nag-friend request pa sa’kin sa Facebook. In short, naging friends kami sa Facebook at never ko talaga naisip na one day siya ‘yung taong muntik ng sumira sa family namin. At take note, siya din ‘yung nagbigay daan para malaman ko na may relasyon sila ng asawa ko through chat. Ang sakit-sakit DJ na kahit sa ganoong paraan lang eh cheating pa rin ‘yun. Hanggang sa naayos namin ng asawa ko ‘yung pagsasama namin ng matagal na panahon, DJ. Akala ko tapos na ‘yung kabanata na ‘yun kasi blinock na siya ng asawa ko at nagtiwala ako ulit. After two (2) years, eto na naman at nakita kong friend siya ng husband ko sa ibang account. Eh sa IMO app naman, kung ‘di mo i-add ‘yung phone number eh ‘di naman kayo magkakaroon ng contact doon. ‘Yung girl, nagpalit na ng number kasi parang nasa ibang country ulit ‘yung pinuntahan niya. So ang husband ko ‘til now kasi ‘di pa nagpapalit ng number. So meaning si girl ‘yung nag-add sa number ng husband ko. DJ, naguguluhan ako kasi every time na sinasabi ko sa asawa ko na bakit friend na naman sila sa IMO, nagagalit ang asawa ko sa’kin. Sabi niya bakit ‘di daw ako magtiwala sa kanya na kalian man ‘di niya kami iiwan at ‘di niya kami pagpapalit. Kaso DJ ang hirap po kasi matulog ng walang peace of mind. Dahil ayaw siya i-block ng asawa ko dahil minsan ko na rin na nabasa na pag bino-block niya ‘yung girl eh nagagalit ‘yung girl sa kanya at parang bina-black mail niya husband ko na ikakalat niya ‘yung mga pics ng asawa ko na malaswa. Dahil nga may mga time na nag-uusap sila noon through video call. Kaya po ganon na lang na hinahayaan ng asawa ko. Ang isa pa pong kinakatakot ko eh ‘yung asawa ng girl eh kasamahan sa trabaho ng asawa ko ngayon. Sa iisang company lang po sila nagwork. At ‘yung kwento ng asawa ko ‘di daw po kasi ganon ka-okay ‘yung asawa niya kaya asawa ko tuloy ang tinatawagan niya. DJ, tama bang panghawakan ko ‘yung sinasabi sa akin ng asawa ko na never niya kami iiwan at ipagpapalit? Sobrang nahihirapan po talaga ang puso ko ngayon. Gusto ko magtiwala ulit pero parang ang hirap. Mahal na mahal ko po ang asawa ko at ramdam ko naman din po sa kanya kung gaano niya kami kamahal. ‘Di rin naman siya nagkukulang sa mga needs namin ng anak niya. Kaso ang hirap pag laging nag-iisip. Ano po ba ang magandang gawin? Salamat po.
Broken Mom
Hi Broken Mom,
Please don’t let things like this break you. Actually, I understand naman where you’re coming from eh. You have trust issues. Actually, ang problema mo is not the girl but your husband. You have a hard time trusting your husband because of the things you found out. See, that’s the thing when you’re just always at home and not so busy. Ang dami mong time magtahi-tahi ng kwento sa isip mo. Whether your husband is cheating on you or not, prepare yourself, lalo at nasa abroad. Kasi you can only worry and do so much. Malayo sila sa’yo at hindi mo nakikita anong ginagawa ng asawa mo. Nasa harap mo na nga kaya pang gumawa ng ganyan eh, ‘yan pang malayo. This situation is telling you to start building yourself. Okay, ayaw ng husband mo na magtrabaho ka because he wants to provide, that’s good. Then why not make something out of yourself by doing business? If you’re busy and you make yourself the wife that a husband would never leave, then what is there to worry pa? If you’re scared na iiwan ka ng asawa mo, then do something and prepare. SAVE. Make sure that you have your own money for any eventualities. While it is good to trust your husband for his words, it also good to start preparing yourself in case he disappoints you. I do not want to tell you to stop worrying about who calls who, who is not changing numbers, who is stalking who. I want you to start planning and focusing on what you can do to prepare and to make yourself a better person. You want peace of mind to be given to you, na galing sa assurance ng asawa mo, na ‘wag na siyang makipag-usap sa babae or kahit kanino. Well, you cannot control things. You can only control yourself. Change how you look at things. Ikaw ang asawa, don’t forget that. You can trust your husband and his words, why not. But also start trusting yourself that you can also do more and are capable of making yourself better.
-
COMMENTS















