CHLOE'S INBOX
Chloe’s Inbox – Avoid getting into money trouble
January 2, 2020
-


Hi!
Need some legal advice. Ganito po kasi, nagkaroon ako ng cash loan sa isang sikat na lending company na nagamit sa pagpapagawa ng bahay sa probinsya namin dahil nasira sa kalamidad. Okay naman po ang credit standing ko before kaya nga nag-offer pa ulit sila ng additional loan na nagrab ko naman para mas mapaganda pa ‘yung bahay namin. Kaya nu’ng January 2019 nagkaroon ako ng problem sa health ko kaya hindi ko na nabayaran ang monthly ko hanggang sa naadmit ako sa hospital at kailangan ko magpahinga ng three months. In short, nawalan po ako ng trabaho. Pero kahit wala akong work nakipag-agreement ako na mabayaran ‘yung isa kong loan account for six (6) months, which is matatapos na sa January. At ngayong December plan ko naman i-settle ‘yung isa pang account sa kanila since nagkawork naman na ako last month. Ang problem kasi gusto nila bayaran ko na ‘yung total na kabuuan kaso napakalaki na eh. 21k lang naman nahiram ko at may mga months naman na naghulog na ako. I admit naman na may pagkukulang ako dahil ‘di ko nga nagawang mabayaran ‘yung nahiram ko. Pero ‘di ko naman balak takasan kaya I keep on sending e-mails sa kanila na kung anong agreement ang p’wede nilang i-offer. Kaso hindi ko alam kung abogado ba o collector ‘yung kausap ko at tinatakot ako na sasampahan ako ng kaso kung ‘di ko mababayaran ng buo. Sa ngayon, wala naman talaga ‘ko maibabayad unless installment basis. Dahil last month lang ako nagkawork. Hindi ko alam kung iistressin ko ba sarili ko sa kanila or hayaan na lang na magkakaso para mas ma-settle ng maayos kaso nakakahiya naman na masampahan ng kaso at hindi ko naman ginusto na magkasakit ako. Thank you in advance
Hi!
Someone told me, umutang lang daw ako if I have the money to pay for that debt sa ipon ko. Whether it’s money or things, if you have the money to pay for it sa savings mo, then you can make utang. If wala, ‘wag kang uutang. The first reason for borrowing money was valid for me, papaayos ng bahay. But then credit companies would lure you to keep borrowing. Ako lang eh, ang dami kong texts lagi na narerecieve offering me cash loans. So kung ‘di ka marunong humindi, matetempt ka talaga. Ang pagpapaganda ng bahay naman nakakapag-antay eh. You can do that bit by bit, basta within your budget. The best thing you can do, ask a lawyer how you can settle it. Ang alam ko ‘di ka naman nila mapipilit sa amount na gusto nila if wala ka talagang pambayad. So most likely, you will agree with a certain amount na kakayain mo, lalo na dahil ‘di mo naman planong takasan ang obligasyon mo. ‘Yung kausap mo, collection agency ‘yun most likely. Nakakastress talaga silang kausap. Moral lesson here: avoid utang.
-
COMMENTS















