CHLOE'S INBOX
Chloe’s Inbox – Don’t forget to conquer yourself
October 21, 2019
-


Hi po DJ Chloe,
Isang magandang araw po sa inyo at sa lahat ng taga subaybay niyo sa programa po ninyo. ‘Di ko po lubos akalain na ako’y susulat po sa inyo. Sana po mabasa niyo po ito. Itago niyo na lang po ako sa pangalang “Sandy.” 23 na po ako DJ at kasalukuyang nagwo-work as a production worker sa isang factory dito sa amin. Okay naman po kasi nakakatulong ako sa gastusin sa araw-araw. Ang tatay ko ay isang magsasaka at ang aking ina ay walang trabaho. May edad na sila, DJ. Senior na sila pareho. Dalawa lang kami magkapatid at ako ang mas matanda. Graduate na si bunso at mag-apply na siya ng work sa January. Ako naman, DJ Chloe, graduate lang po ako ng two (2) years. Nu’ng grumaduate ako ng 2015 ‘di ako agad nakapag-hanap ng work dahil nahihirapan ako at ‘di ako qualified dahil kadalasan four (4) years ang kanilang hanap. 2016 napasok ako ng work dito sa amin sa factory. Hindi malakas ang pasok namin at parang pang part-time lang ito. Kumbaga hindi po araw-araw ang pasok at hindi masyado malaki ang kita. May time naman na lumalakas ang pasok at nakaka-OT ako ng marami kaya masasabi kong hindi ito stable. Three (3) years na ‘ko nagwo-work dito at ganun pa din, wala man lang ako maipundar na kahit ano para sa mama at papa ko, para sa sarili ko. Nakakatulong, oo, pero ‘di ito ‘yung tipong aasenso ka. Call-in lang po kasi kami kaya ‘di kami pwede magreklamo kapag wala kaming pasok. Pinlano ko mag-abroad pero ‘di pa din ako qualified—kapos sa height, malabo ang mata. Ang hirap, dami ko na inapplayan pero wala. Ang hirap pala, DJ ng ganito kaya pinlano ko mag-aral uli. Tutal tapos naman kapatid ko at may school na ‘kong planong pasukan malapit lang sa amin at ‘di ko problema ang baon at pamasahe pati tuition kasi mura lang. Sikat ang school na ‘yun bale branch lang siya dito sa amin. Ang problema ko ngayon is ‘yung papa ko. Nag-aalangan siya na mag-aral ako ulit dahil four (4) years na naman daw ulit ang bubunuin ko. Pero ang iniisip ko, paano naman ang future ko? Namin? Kung puro lang ako ganito. Opo, ‘di na ‘ko contractual pero kapag naghanap ako ng ibang work ‘di naman ako qualified at bukod pa dun wala gaanung mapasukan ditto—puro factory lang. Gusto ko magkaron ng magandang trabaho sa future. Gusto ko pa matuto para mas maging qualified at hindi ‘yung lagi na lang nagbabakasakali. Gusto kong planuhin pa ang future ko at dun ko natutunan sa lahat ng pinagdaanan ko na importante pala talaga ang mag-aral. Nagsisisi ako sa mga panahong sinayang ko dahil ‘di ako nag-aral at gusto ko ito itama. Ang hirap umasa lagi sa swerte. Sabi mo nga, ‘di ba, ang time Ni Lord ang the best at wala sa edad kung kailan magkakaroon ng direksyon ang buhay natin.
PS. May boyfriend po ako at may plano din po siya mag-aral. Salamat po DJ.
Hi Sandy!
May OJT kami, nag-aaral ng kolehiyo at the same time nagtatrabaho sa call center. Walang impossible sa taong desidido. So if you really want to make it happen, then find a job you can do or work on while studying or while being enrolled in college. Kaya mong pagsabayin ‘yan. Marami ng gumawa niyan at gumagawa niyan. You don’t have to convince your dad. If he sees how decided you are and how you’re working hard for it, I’m sure he will understand and who knows might even give you moral support. Kahit ‘yun man lang kung ‘di niya na kayang magsuporta sa pag-aaral mo. Imprortante ang diploma, yes, pero maraming may diploma na walang diskarte sa buhay. Kung meron ka parehas nun, diskarte at diploma, may mararating ka. ‘Yung iba nga diskarte lang eh. I’m not discouraging you, I am just telling you.
-
COMMENTS















