CHLOE'S INBOX
Chloe’s Inbox – What you don’t know won’t hurt you
December 2, 2019
-


Hi DJ Chloe!
Remember po the letter I send you October 22 about my sister at asawa niya? Confirm po na may babae nga siya. Ewan kung pano nalaman ng sister ko pero nagkaroon sila ng komusyon last week and nakialam na nanay namin. Ayun, iiyak ng iiyak si lalaki. Flirt lang daw ‘yun and bigyan daw siya ng panahon na magdesisyon. Pagbigyan daw siya hanggang bago makapanganak kapatid ko. Sabi ng nanay ko, hindi pwede . Hindi pwedeng ganun. Magdecide na siya kung saan siya. Hihiwalayan na daw niya ‘yung ka-fling niya. Haist. Galit na galit po siya sa kapatid ko dati, sigaw-sigaw pa siya. ‘Yun pala nagloloko naman talaga siya. Mga lalaki talaga.
Hi Girl!
Okay, so tama ang hinala? Then at least alam niya na ano ang gagawin niya dahil tama ang hinala niya. The guy is asking for time? To decide? Then it’s not “flirt” lang. It is best that your sister decides. Kasi dalawa lang naman ‘yan, patawarin niya at sila pa ulit at araw-araw niyang bungangaan or maging miserable. Or ibigay niya na dun sa isang babae at magtanggal na siya ng sakit ng ulo. Mahirap kasi may mga anak? At manganganak pa siya kasi buntis siya? Masakit nga sa ulo. Siguro ang masasabi ko na lang, alalayan niyo na lang si sisterette kasi masakit ulo niyan ngayon sa natuklasan niya. Haaay, kaya minsan what you don’t know won’t hurt you talaga.
-
COMMENTS















