Chloe's Inbox - Forget the man who decided to forget you
X

CHLOE'S INBOX

Chloe’s Inbox – Forget the man who decided to forget you

December 17, 2019

  • EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - FORGET THE GUY WHO DECIDED TO FORGET YOU

    Hi DJ Chloe,

    P’wede bang mafall out of love agad ang guy? I’m 29, he’s 21. Eight (8) years ang gap namin. Nagkakilala kami sa pinagtatrabahuan naming planta. May girlfriend siya nu’ng dumating ako pero after ilang days nalaman ko na lang na naghiwalay na sila. Almost a year din sila nu’ng girl. Inadd niya ‘ko sa Facebook at naging magkaibigan. Nanligaw siya sa’kin, DJ Chloe. Nagdadalawang isip ako kasi malayo agwat namin pero sumugal ako kahit marami ang ayaw sa kanya para sa’kin. Naging kami for almost three (3) months. After ng monthsary umuwi siya sa knila at nagpromise na babalikan ako dito sa amin pero nagulat na lang ako ng four (4) days niya akong ‘di kinontak at nu’ng sinagot niya na tawag ko napaiyak na lang ako nang sinabi niyang ‘wag ko na siyang antayin. Paulit-ulit siyang humihingi ng sorry. Tinanong ko kung bakit? Na-fall out na raw siya at pagod na siya sa relasyon namin dahil napressure siya na baka ‘di pa siya ready at ako ay nag-aantay lang kung kailan. Tumatakbo daw ang oras ko dahil may edad na ako at hindi daw siya deserving para sa’kin. Grabe ang iyak ko nu’n. After nine (9) years, ngayon ko lang ulit sinubukang pumasok sa relasyon at eto pang nangyari. Sa dinami-rami ng manliligaw ko ay siya lang ang pinagbigyan kong makapasok sa puso ko. Masakit pero kinakaya kong magmove on. Thankful pa rin kasi at least nalaman ko ng maaga na wala rin palang patutunguhan ang pakikipaglaban ko sa relasyon namin at dpat ‘pag nagmahal ‘wag ibigay ang buong tiwala kasi sobrang sakit pala pag pinaasa at maiwan. Salamat DJ Chloe. God bless.

    Miss 29

    Hi Miss 29,

    Hindi lang lalaki ang nafo-fall out of love, kahit mga babae nakakaranas din ng ganito. It happens when the foundation is weak. Or if the relationship if probably just based on the physical. Maybe the guy felt pressured really, he is only 21, forgive him for still wanting more in life. At 21, anong alam niyan? Anak ko nga 20 years old nanghihingi pa sa’kin ng pera hanggang ngayon, nanonood pa ng cartoons. Nasasaktan ka kasi you found out he didn’t love you the way you loved him, and that’s okay. Someday you will find someone deserving of you, and he will come at a time God allows for both of you to meet. Mas mahirap mamalagi sa piling ng isang lalaking hindi tama para sa’yo, hindi darating ang tamang lalaki para sa’yo dahil kasama mo ang mali. Okay lang ‘yan, lilipas din ang sakit. Time will come pagtatawanan mo ang sarili mo sa kakaemote mo sa isang taong ‘di naman dapat pinag-aaksayahan ng pag e-emote. If you’re working and meron kang 13th month pay, go to a salon and have your hair done, buy yourself a nice outfit, and go out with friends! Hindi lang kinayan nu’ng bata ‘yung kagandahan mo, girl. Rampa nang sumaya!

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.