Chloe's Inbox - We got to work to work and not make friends
X

CHLOE'S INBOX

Chloe’s Inbox – We got to work to work and not make friends

November 11, 2019

  • EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - WORKPLACE IS FOR WORK NOT FOR YOUR PERSONAL ISSUES2

    Hi DJ Chloe!

    Ako po ay kabilang sa Generation Z o kung tinatawag batang henerasyon. Pero gusting-gusto ko makinig sa station niyo lalo kapag working hours. Itago niyo po ako sa pangalan na JJ, 21 years old. Ako po ay nagtatrabaho as HR staff. Ang mga workmates ko po ay puro oldies. Range 40-60. Kaya naman po ay wala naman akong close sa kanila at lagi lang ako mag-isa. Ngunit meron po akong manager na 37 years old. May mga oras na nag-uusap kami sa isang chatting app about sa update ng mga report ko sa kanya dahil ang working area niya ay malayo sa working area ko. Ang bait niya po sa’kin sa chat kapag nag-uusap at lagi akong mino-motivate. Sabi niya pa sa akin ay kapag wala daw akong makausap ay pwede ko po daw siyang i-chat para kausapin. Babae nga po pala ang manager ko. ‘Di naman po kami parati nag-uusap pero para kaseng nafo-fall ako sa pag trato niya sa’kin. Pareho din po kami ng natapos na kurso kaya mas lalong nagiging swak ang ugali namin. Aamin po kaya ako sa nararamdaman ko? Hindi ko po kasi alam kung tama itong nararamdaman ko. Ang bata ko masyado para sa edad niya pero ramdam ko ‘yung pagiging matured niya na mas lalo kong hinahangaan. Ano po kaya ang gagawin ko, DJ Chloe? Aamin po ba ako o itatago na lang ang aking nararamdaman. Salamat po.

    Hi JJ!

    Office romance is not for everyone and it’s not for every company. So before thinking of telling her what you feel, ano ba ang policy ng office niyo sa ganyan? If pwede ang office romance sa inyo, then go ahead. May isa akong boss who gave me a good advice when it comes to that. Don’t shit where you eat. Sa ngayon, weigh the pros and cons. Age is a factor, being her subordinate is a factor (no matter what you say, she will always be biased sa tingin ng lahat sa opisina niyo pag naging kayo). Baka naman nagiging mabait lang siya talaga sa’yo? We are in the office to work. Not even to make friends. If you are able to make friends then bonus na lang ‘yan. So, work.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.