CHLOE'S INBOX
Chloe’s Inbox – It’s hard to rebuild trust
October 11, 2019
-


Dear DJ Chloe,
Magandang araw po, DJ Chloe! Isa po ako sa listeners mo since 2010.Tago niyo na lang po ako sa pangalang Toto. Hihingi lang po ako ng advice tungkol sa asawa ko. Opo, inaamin ko nagcheat ako sa kanya. Pero ilang taon na po ang nagdaan at pinagsisihan ko na nagawa kong pagkakamali sa kanya. Gusto ko lang po malaman kung ano dapat gawin para maka move-on ang misis ko sa pagkakamali ko. Every time na may pupuntahan ako o gala kasama ang barkada kahit nasa trabaho ako ay naghihinala siya sa’kin. Opo, kasalanan ko naman. Gusto ko lang po maibalik ‘yung dating tiwala niya sa’kin at mahalin niya ako uli ng ayos at ng mga anak namin. Ginagawa ko naman ang lahat pero mukhang di pa din sapat. Ultimong ATM ko nasa kanya sa isang tabi. Nandun pa din ang doubt sa lahat ng bagay. Gusto kong ma-prove sa kanya na nagbago na ‘ko.Please, give me some advice po. Alam kong mahirap ibalik ang tiwala na nasira ko pero kaya ko naman po iprove ‘yun sa kanya na nagbago na ‘ko. Kaso may kulang pa. Sana mabigyan niyo ako ng magandang advice. Maraming salamat po at more power.
Hi Toto!
‘Kaw naman. Ano kaya kung siya ang nahuli mong may lalaki? Kayo pa kaya ngayon? That’s the price you have to pay for giving her a reason to not trust you again. Sa ngit-ngit n’yan kung pwede ka lang sabunutan niyan ubos na buhok mo for sure. Give her time. You betrayed her, okay? Dinaya mo siya, sinaktan mo. Sa ginawa mo, tingin niya sa sasarili niya pangit. Nakakapangit ang pambababae na ginagwa niyo, alam mo ba ‘yun? Palagi niyang iniisip, “anong meron ‘yung isa at nagawa mo ‘yun?” So give it time. Isa pa, isama mo sa gala, kung ‘di siya kasama, ‘wag ka ng gumala. You have forfeited that right nu’ng magloko ka. So isama mo siya o kayong dalawa na lang ang gumala. Tell her where you are and be where you really said you are, keep in touch, open your location on Facebook, hehehehe. Make sure na lagi kang reach-able. ‘Pag out of reach ka duda na ‘yan agad. Ganun talaga. Ipaalam mo mga lakad mo at higit sa lahat, ‘wag ka nang uulit pa.
-
COMMENTS















