Chloe's Inbox - Your job should not stress you out
X

CHLOE'S INBOX

Chloe’s Inbox – Your job should not stress you out

October 20, 2019

  • EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - YOUR JOB SHOULD NOT STRESS YOU OUT

    Dear DJ Chloe,

    Napakalaking tulong po ng mga nababasa kong advices mo po sa mga senders. Pwede po ba ako humingi ng advice, hindi ko na po kasi alam ano dapat kong gawin. Fresh graduate po ako pero I’m 26 years old na po. Na-hire po ako July as CSR ng bank (project hire po ako for 11 months). Sa totoo lang po, DJ Chloe, hindi po ako magaling noong nag-aaral pa ako at hanggang ngayon pong nagwo-work na ako. Mas worst po dinadanas ko dahil hindi ko po gusto ang trabaho na napasukan ko. Call center agent po ng credit cards. Hindi ko po kaya ang stress, buong araw po sa work kinakabahan ako. Pag-uwi naman po ng bahay nadadala ko po ang nangyari sa calls kaya po bago matulog umiiyak po ako. Para sa akin po toxic ang work na ‘to. Nahihirapan po ako sa process at complains ng client. Sobra rin po akong mahiyain. Ang maganda lang po sa trabaho ko ay malaki ang sweldo. Kaya lang po pakiramdam ko nawawala po talaga ng direksyon ang buhay ko. Sa takot ko po naging madalas po na hindi ako pumapasok. Plano ko na po magresign pero natatakot po ako magpakita sa work at ano sasabihin ko sa supervisor ko. Nag-apply po ako bagong work, assistant naman po sa engineering department, natanggap po ako. Ang pumipigil at gumugulo naman po sa isip ko ay magiging maayos na po kaya ang buhay ko sa bagong career na pipiliin ko. Lahat po uncertain sa akin. Natatakot po ako na kapag pinili ko itong bagong job ay magsisi po ako dahil mahirap din po pala tapos minimum po ang salary. Alam ko po na may edad na ako para magkaganito, pero late bloomer po ako, kaya lang naliligaw nanaman po ako ng landas. Nagdadasal po ako palagi pero nalilito pa rin po ako ano gagawin ko sa buhay ko po. Sana po mapayuhan mo po ang magulo kong isipan. Nahihiya rin po kasi ako sa parents ko. Bago pa lang po ako nakakatulong sa kanila tapos nagi-give up na po ako kaagad sa reyalidad ng buhay. DJ Chloe, hindi ko pa talaga alam ano dapat ko gawin. Thank you po in advance. God bless po. Please hide my identity.

    Ms. Lost Late Bloomer

    Hi Ms. Lost Late Bloomer!

    I know of someone who told me na the reason why he resigned daw sa work niya sa call center is, naaapektuhan na siya sa mga sinasabi sa kanya ng mga irate callers. Siguro, naaabsorb niya na and he is starting to think na ganun nga siya. Maybe you know maraming negative and swear words na nasasabi sa kanya. So I can’t blame you if you feel that way. Kaya lang you also need to work eh, for the family, ‘di ba? Simple lang naman, girl, if you think this is not for you, the work you’re into, then considering looking for something else. Malaki nga sweldo mo, mamamatay ka naman sa stress, dun din mapupunta ang sweldo mo. So while being there, look for something you really want to do. That’s the most practical thing to do. Also, work on your self-confidence, go out more often with friends. ‘Wag masyadong maging loner, but please choose your company, okay? Kaya mo ‘yan.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.