Chloe's Inbox - Let others mind their own business
X

CHLOE'S INBOX

Chloe’s Inbox – Let others mind their own business

September 18, 2019

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---LET-OTHERS-BE

    Hello DJ Chloe at sa mga listeners mo,

    Ako po si Dennis. Ang letter po na ito ay hindi para sa akin, DJ Chloe. Kundi para sa mga kaibigan ko, itago niyo na lang po sila sa pangalang Bryan and Tin. My friends are in a relationship for five (5) months now pero mas matagal na po kaming magkakaibigan. High school friends po kami and kahit nasa iba’t-ibang field of work na kami ay lagi pa din kaming nagbo-bonding. One time I tried to sneak-in sa phone ni Tin, I found out na meron pala siyang ka-flirt sa office nila. God knows kung gaano ko kagustong sabihin ‘yung nalaman ko kay Bry. Pero ayoko pong masira ‘yung friendship namin. Wala naman po sa akin kung mag-end ang relationship nila as couples as long as magiging magkakasama pa din kaming magbo-bonding. Dapat po ba itago ko na lang  ‘yung nalalaman ko, DJ Chloe, for the sake of our friendship?

    Dennis

    Hi Dennis,

    Hindi maganda na nangialam ka sa gamit ng iba.

    And ‘di ko gets, wala sa’yo if mag-end ang relationship nila pero gusto mo magbobonding pa rin kayo?

    Pano? Eh tingin ko once mag-end ang relationship nila you will hang out with Bryan na wala si Tin and you’ll also hang out with Tin na wala si Bryan.

    Ang maganda mong gawin kausapin mo si Tin, but she will find out nangialam ka sa phone niya, which is very wrong.

    Ano lesson dito? Maglagay ng heavy password sa phone para hindi maviolate ang privacy niyo.

    Another is, ‘wag makikialam sa gamit ng may gamit.

    As with Tin flirting with someone while in a relationship—buntot niya hila niya. Magboo-boomerang din ‘yan sa kanya.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.