CHLOE'S INBOX
Chloe’s Inbox – Life is too short for negative energies
December 8, 2019
-


Hi DJ Chloe,
Isa lang po ako sa marami niyong followers. Sana po kahit ‘di niyo man mapiling i-air ‘yung letter ko eh mabigyan niyo po ako ng isang maayos na payo. Gusto ko po kasing i-sangguni ang problem ko. Regarding po ito sa work ko. I’ve been working for almost seven (7) years na po sa isang household. Sa loob po ng panahon na ‘yun binigay ko po ‘yung best ko. Naging sobrang flexible po ako sa halos lahat ng pinagawa ng boss ko kahit minsan hindi na part ng work ko. Alam po nila at aminado naman sila na wala silang masasabi pagdating sa trabaho ko. Ang problem ko po lately, ‘yung boss ko eh medyo hindi ko na po maintindihan. Palagi po siyang galit to the point na kahit wala ka namang ginagawa o wala kang kasalanan eh nagagalit. Inintindi ko pong may problem siya financially lately. Pero sana po diniretso na lang po niya ako kung may problem siya. Hindi po ‘yung basta na lang siya nagsasabi ng mga hindi magandang salita. Ako po bilang nirerespeto ko siya dahil boss ko siya at may pinagsamahan naman kami at tinuring ko na silang second family ko. Ayaw ko pong umaabot sa punto na magakakaroon kami ng hindi magandang ugnayan. Balak ko na po sanang magpaalam sa kanila habang nandun pa po ‘yung respect na meron ako. Tama po ba ang gagawin kong decision? Sana po matulungan niyo po akong makapgdecide ng tama. Thank you po and God bless.
Hi Ate!
Kung magpapaalam ka naman sa kanila, may pupuntahan ka na bang iba? Try mo kayang magpaalam, at kapag tinanong ka sabihin mo kung bakit gusto mo ng magpaalam. Pero kung magpapaalam ka na dahil gusto mo na talagang umalis sa trabaho then dapat decided ka. Mahirap kasi na magde-desisyon kang magpaalam pero gusto mo lang suyuin ka na ‘di ka na umalis. Nakatagal ka na ng seven (7) years sa kanila, baka naman malaki lang problema ni ate mo. Noon may boss ako, kapag December na at bigayan ng 13th month, November pa lang lagi na siyang nagwawala. Panay na ang mura in Chinese, hahahaha. Mainit ulo kasi magre-release ng 13th month sa mga empleyado, hahahaha! Pero ‘yun nga, baka kailangan mo lang intindihin. Basta ‘wag kang sasaktan physically ni ate mo, tiis lang ng konti, baka may pinagdadaanan lang siya.
-
COMMENTS















