CHLOE'S INBOX
Chloe’s Inbox – Life has its way to teach you a lesson
August 7, 2019
-


Dear DJ Chloe,
May boyfriend po ako ngayon, two (2) years na po kami. Masasabi ko pong smooth at okay ang relasyon namin nu’ng unang mga taon dahil lahat ng pag-iintindi, pagmamahal, at pang-unawa binibigay niya sa’kin. Kahit to the point na lagi niya akong may nahuhuling kalandian sa chat. Aminado naman ako, DJ Chloe sa mga pagkakamali ko noon. Now po handa na akong magbago dahil sobrang mahal na mahal ko siya dahil narealize ko kung gaano ako kaswrte na siya ang minahal ko. Ang problema, DJ Chloe kung kelan naman ako nagbago tsaka naman siya natutong magcheat. Nahuli ko siya na nakakachat niya ang ex niya. Sobrang lambing nila sa isa’t-isa sa chat at ‘yung girl na ‘yun is may ka-live in at may apat na anak. Nasaktan ako ng sobra dahil may convo dun na magkikita silang dalawa at nakaplano pa lang.
For now, I’m planning to go to Dubai in just two (2) weeks. Naguguluhan lang ako sa klase ng relasyon namin na lahat ng pangangailangan ko binibigay niya lalo’t pagdating sa usaping pinansyal. Naguguluhan ako dahil what if sa pag-alis ko tuluyan na kaming magkahiwlay? Sa totoo lang, may doubt na ‘ko sa relasyon namin. Kailangan ko po ng payo dahil gulong-gulo na ako. More power and maraming slamat po. By the way po, three (3) years ang age gap ko sa boyfriend ko.
Hi Dear!
You know life sometimes has a funny way of letting us feel what we made others feel.
Your boyfriend forgave you, now it’s your turn to forgive him also and see where this leads you both. Talk to him and tell him how you feel about what you found out and that you’re starting to have doubts na magiging okay pa kayo.
If he truly loves you, he’ll drop talking to that girl and change his ways, that is if you’re willing to accept him and start all over again.
Go to Dubai and do what you have to do, you may love this boyfriend of yours, but that love will again be tested because of distance.
If you are truly meant to be together, then you will eventually be… together.
-
COMMENTS















