Chloe's Inbox - Money's one language
X

CHLOE'S INBOX

Chloe’s Inbox – Money’s one language

November 25, 2019

  • EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - MONEY'S ONE LANGUAGE

    Hi DJ Chloe,

    I am one of your avid listeners at lagi kong sinusubaybayan ang iyong programa during my lunch break. DJ Chloe, I just want also to seek a piece of advice. Itago niyo na lamang po ako sa pangalang “Hayley.” I am married with two (2) daughters. Two (2) years old and one year old. Eto po ang problema ko, hindi po ba ako mabuting anak kung hndi po ako makapagbigay monthly sa magulang ko? January this year po nang kausapin po ako ng aking nanay na kung pwede daw po, hulugan ko daw po SSS ng tatay ko dahil kaunti na lang din naman pong buwan ang kailangan para entitled na siya sa pension when he reach 60. Which is okay lang naman po sa’kin kasi iniisip ko para din naman sa kanila ‘yun. Then may previous balance pa po kasi ‘yung tatay ko sa loan niya before so pina-compute na niya parang 1,300+ ang monthly niya. Kasama ang contribution plus sa loan niya. Monthly po akong nagbibigay DJ Chloe, kahit minsan nagigipit ako dahil sa mga gastusin pero gingawan ko ng paraan. Until one day chineck ko ‘yung SSS ng tatay ko, naregister ko siya online para makita ko ‘yung binabayaran niya. At nakita ko na hanggang April lang ‘yung month na may bayad. So tinanong ko sila bakit hanggang April lang? Ang sabi ginastos daw nila ‘yung pera sa mga needs nila sa bahay. Naiintndihan ko naman pero ang sa akin lang sana gingawan din nila ng paraan para mahabol ‘yung month na kailangang bayaran sa SSS ng tatay ko. Kasi hindi ko rin naman masabi kung hanggang kelan ako makakapagbigay sa kanila. Lalo na ngayon DJ Chloe, hindi spat ang kinikita naming mag-asawa para sa gastusin namin. Next year balak ko pa rin namang magbigay pero hindi na monthly kasi hindi ko na rin kaya. Kasi need ko rin maglaan para sa future ng mga anak ko. Please enlighten me, DJ Chloe. Thanks and more power!

    Hi Hayley!

    I don’t know where to start. This kind of problem is so common with us Filipinos. Alam mo, mababait na mga anak ang mga Pinoy, we don’t bring our parents to home for the ageds (nothing against it and I don’t condemn those who do) sadyang ‘di natin kultura. Pero sana naman, itong henerasyon na parating, maintindihan na natin ang salitang “retirement” at ang paglaanan ito. Sadyang hindi natin matitiis ang mga magulang natin, that’s why I know pipilitin mo pa rin makapagbigay but you have to be honest with them kung ano lang ang kaya mo. If you are blessed to have a good job, mag-impok , mag-ipon, at pag may ipon mag-invest (ask about life insurance and variable life insurance). You know money has only one rule, “if you save me today, I will save you tomorrow.” Hindi ka masamang anak pag ‘di ka makapagbigay, masama kang anak kapag nagpabaya ka sa magulang mong nagkakaedad na. Be honest with them, give only what you can afford to give.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.