CHLOE'S INBOX
Chloe’s Inbox – Never abuse a kind heart
October 15, 2019
-


Hello DJ Chloe,
Still remember Confused Girl? I wrote you some time on 2014. Anyway, gusto ko lang i-share sa mga readers ‘yung naging karanasan ko sa love. Medyo mahaba po ito but it’s worth reading. As in. Here it goes.
I’m happily married with two (2) kids. I have a very wonderful husband. Actually, ours is near to perfection. But last 2014, I had an affair with my co-worker. It just happened. Naging busy kasi kami mag-asawa sa kanya-kanya naming work. We don’t have much time together. Na-inlove talaga ako sa co-worker ko. Kasi siya ‘yung lagi kong nakakasama at nakakausap. Our affair lasted until 2017. Wala talagang forever sa bawal na pag-ibig. Lalo na if pareho kayong may family. Come 2018, nalipat ako ng location. I told myself na I’ll change for the better. I’ll focus on my family. But then again, may nakilala na naman akong co-worker dun. Na-inlove na naman ako. Naging kami na naman. May asawa din siya. But later on, I realized, wala akong mapapala sa ganito na relationship. Kasi nagseselos na ako sa asawa niya. Tas mas gusto ko pa maglaan ng time sa kanya kesa pamilya ko. Uambot sa point na ayoko na talaga. Ititigil ko na ‘tong kalokohan ko. Focus na ako sa family ko. Akala ko okay na ang lahat. But then, one time, just recently, may ka-chat ako na officemate ko. I shared to him my experiences sa love. Hindi ko na-delete, DJ Chloe. I fell asleep. Nabigla ako. Paggising ko, hawak n ng asawa ko ang phone ko. Nalaman nya lahat dun mga secrets ko. Dun prang gumuho ang mundo ko. Wala akong magawa. I confessed to him everything. You know what DJ, I thought iiwan ako ng asawa ko. I thought tapos na sa amin ang lahat. Never ako napagbuhatan ng kamay ng asawa ko, which is maintindihan ko sana kung ginawa niya. What happened was, dinala niya ako sa simbahan. Sabi nya, hingi ako ng sorry kay God. Nagreflect din siya. Narealize niya ‘yung mga pagkukulang sa akin. Sabi niya kahit anong galit niya sa akin, in the end, naintindihan niya ako. Humingi din siya ng tawad sa mga times na nagkulang siya magbigay ng attention sa akin. Hindi pala enough na mabigyan mo ng pera ang family mo. Mas importante ang oras mo sa kanila. Nu’ng tapos na ang misa, binigyan niya ako ng flowers sabay sabi ng “I love you” which he rarely do. Ako pa ang may pagkakamali pero nagawa pa rin niya ako bigyan ng flowers. Grabe iyak ko nun. Sa sobrang guilt, gusto ko na magpakamatay. Sabi niya sa akin, magsisimula kami ulit. Huwag ko lang daw siya iwan. Nagalit man daw siya sa akin preo ayaw din daw niya umabot sa point na mamatay ako. Kailangn pa daw niya ako. Panay hingi ng tawad ko sa kanya. Pinatawad niya ako, DJ. May lalaki pa rin pala na ganun. Though narinig ko sa kanya lahat ng masasamang salita pero inintindi ko siya. Normal lang na reaction ‘yun sa kanya. And I think deserve ko lahat ng masasakit na salita. Despite of everything, he forgave me. Mas sweet nga siya sa akin ngayon. Ako ‘yung malungkot kasi until now super guilty pa rin. Baka hindi ko na magawang ngumiti. Pero okay kami ngayon ng asawa ko, DJ. Sabi niya, nandun pa rin ‘yung galit sa puso niya. Pero ‘yung pagmamahal niya sa akin hindi naman daw nawala. Feeling ko mas ramdam ko ang love niya ngayon compared dati. I hope maging aral din ‘to sa ibang couples. Lalo na sa mga lalaki, don’t forget to date your wife. Don’t focus much on your career. Kasi kaming mga babae, we want attention and affection. Otherwise hahanapin namin ‘yun sa iba. DJ, paki play din po ng kantang “Sigaw ng Puso”. ‘Yan ang pinatugtog ng asawa ko kanina paggising ko. Sobrang mahal daw niya ako. Thank you again, DJ. Please do hide my identity.
Hi Confused Girl,
Ako, actually, ang confused sa letter mo at sa mga sinabi mo. Pinatawad ka pero may galit pa sa’yo. Near to perfection ang marriage niyo pero nagawa mong magloko ng paulit-ulit. Anyway, I suggest you seek help, kasi baka mabore ka na naman sa asawa mo, ang ending maghanap ka na naman ng ibang kausap at ma-fall ka na naman. It’s a cycle and I really think you need help. Be thankful if he has really forgiven you and has given you another chance. ‘Wag mong abusuhin sa paulit-ulit na paggawa ng kasalanan.
-
COMMENTS















