CHLOE'S INBOX
Chloe’s Inbox – We never heal until we forgive
November 25, 2019
-


Dear DJ Chloe,
Lagi akong nakikinig sa 96.3 Easy Rock at narinig ko na pwede palang magsend ng message or ng problem.
Lumaki po akong walang nanay at naghahanap ng nanay, in short iniwan kami ng nanay ko nang five (5) years old ako. At naaalala ko na meron siyang mga lakad na kasama ako at nikikipagkita siya sa ibang lalaki. Fast forward today, nang dahil sa Faecebook, nagkaron kami ng updates sa kanya. Kaya natuwa naman kami na alam na namin saan siya nakatira at kung anong nangyayari sa kanya ngayong malalaki na kami at may sari-sariling pamilya. Ngayon na nangungulila pa rin ako, ‘di ko maramdaman sa nanay ko na gusto niya kaming makasamang magkakapatid. Sa edad niya na 60+ ay nagtatrabaho pa din siya ng mabigat, na sana hindi na at nagpapahinga or nag-aalaga na lang ng mga apo niya. Gusto namin siya makasama pero ‘di namin maramdaman na gusto niya rin kaming kasama. Buong buhay niya nandun na siya sa second family niya. Hanggang ngayon parang wala siyang plano na makasama kami. Okay mga buhay naming magkakapatid. Mamimili siya kung saan niya gustong tumira. Pero mas gusto pa din niya sa kabilang pamilya niya. Na kaming iniwan niya ay wala siya talagang plano. Sana po matulungan niyo ako kung ano gagawin ko. Gusto ko siyang makasama sa mga natitirang buhay niya dito sa mundo.
Longing Son
Hi Longing Son,
I felt your sadness. Tayo, kahit malalaki na, kalinga pa rin ng ina ang hanap. May mga tao nga na tumanda na’t lahat, hindi nakamove-on sa pangungulila sa magulang. ‘Yung mga inabandona ng magulang nila, it somehow leaves a vacuum that no one else can fill. Maybe she has her reasons kung bakit mas gusto niya sa second family niya. Maybe she feels guilty for leaving you all. You can’t force her kung ayaw niya, but you can still love her and show her in your own ways na mahal niyo siya bilang nanay niyo. Dalasan mo na lang siguro ang communication sa kanya. Keep in touch with her always. Ask to see her regularly. And if you’re with her, abutan mo ng panggastos niya–pambili ng gamot or ibili mo na ng gamot kung may maintenance na siya. And make sure she knows that anytime, p’wede siyang tumawag or lumapit sa’yo, sainyo. It would also help you heal, if you talk to her about what happened. ‘Wag kang magtanim ng sama ng loob sa kanya, ina mo pa rin siya. Wala ka, kung wala siya. Maaring sabihin ng iba na masama siya, iniwan kayo, but who are we to judge? While it is much easier to just hate and keep on hating, we will never truly heal until we forgive.
-
COMMENTS















