Chloe's Inbox - No matter how old you'll get, you'll always need mom
X

CHLOE'S INBOX

Chloe’s Inbox – No matter how old you’ll get, you’ll always need mom

January 15, 2020

  • EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - NO MATTER HOW OLD YOU'LL GET YOU'LL ALWAYS NEED MOM

    Dear DJ Chloe,

    How are you po? Sumulat na po ako sa inyo dati about my mom na iniwan po kami noon, na nalocate na din po namin siya at gusto sana naming kunin kaya lang mas gusto niya magstay sa second family niya. Nadaanan ko po siya one time, kasi po I’m a tnvs partner, nagda-drive po ako kapag weekends at during off ko. So nakita ko nga po si mama, nadaanan ko po sa kanila. ‘Di ko lang po napigilang mapaluha kasi po may edad na ang nanay ko pero nagtitinda pa po siya sa maliit niyang karenderya. Eto ako, anak na kahit iniwan, gusto pa rin siyang makasama kasi malalim po ang pangungulila ko sa kanya. In fact, I think po lumalabas din po siya sa preference ko sa mga naging girlfriend ko. Mas gusto ko po ang older sa akin. Siguro po, mommy issues. Pa’no ko po kaya matutulungan ang nanay ko? ‘Di po kaya masamain ng mga kapatid ko sa ina kapag mag-abot ako para sa kanya? Minsan din po naiisip ko baka ‘di rin mapakinabangan ng nanay, mapunta lang sa mga anak niya sa pangalawa ang pera kung bibigyan ko siya. Ang alam ko din po, may alta-presyon na siya. ‘Di ko lang po alam kung nakakapagpatingin po siya regular sa doctor. Sana po matulungan niyo ako kung ano po ang p’wede kong gawin.

    Anak

    Hi Anak,

    Of course, you can still help her, and show her she is loved. We may not know her reasons for choosing to stay with the second family, baka nahihiya din siya sa inyo sa nagawa niya. If your siblings sa mom mo knows about you, the first family, then visit her, and ask her to go with you–na ipapasyal mo siya kamo. Make it regular, na dinadalaw mo siya at pinapasyal. Bring her to a doctor if you want, ikaw na ang magkusa, para kamo maalagaan ang health niya and buy all the meds that she needs. Kumpletuhin mo kung ayaw mo magbigay ng malaking halaga. Then just give her extra, and let her know, make sure that your mother knows that if she needs anything, she can always call you. Keep in touch with her at least, text or call daily. Kalimutan mo na ang nangyari, at kung gusto mo talagang bumawi, regardless if she’ll use the money sa mga kapatid mo, bigyan mo pa rin siya ng makakayanan mong ibigay. You’ll be blessed for taking care of your mom, I’m sure.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.