Chloe's Inbox - No one can use your truth against you
X

CHLOE'S INBOX

Chloe’s Inbox – No one can use your truth against you

September 24, 2019

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---NO-ONE-CAN'T-USE-YOUR-TRUTH-AGAINST-YOU2

    Hi there DJ Chloe! Please hide my real identity.

    Nu’ng nakaraang taon, nalaman kong iniiputan pala ako sa ulo ng asawa ko. Hindi ako palakalkal ng phone at social media accounts niya. Pero one time, habang lasing siya at tulog, naisipan kong pakialaman at bumulaga sa’kin ang exchange of nude photos and naughty messages nila ng katrabaho niya. Isang taon pa lang kaming kasal pero tatlong buwan na pala niya akong niloloko! Ini-screenshot ko lahat pero nagpatay malisya muna ako. Pagtapos ng rest day namin, binulaga ko sila sa opisina. Nu’ng panahon na ‘yun, DJ Chloe, nakalimutan kong may pinag-aralan akong tao. Sinigawan at sinaktan ko talaga ‘yung babae. Hindi pa ako nakuntento, inilapit ko sa kinauukulan ng kumpanya ‘yung ginawa nila kaya sila tinanggal. Nakisama pa rin naman ako sa asawa ko pagkatapos nun pero hindi ko masasabing napatawad at nakalimot na ako. Nakikita ko naman kung paano siya bumabawi at nagbabago. Mas pinili na nga lang niyang home-based ang trabaho. Kaso, hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ako ng tadhana o ano. Nu’ng isang buwan, nagkaroon ng team building ang kumpanya namin. Nagkatuwaan, nagkainuman, nagkalasingan hanggang sa may nangyari sa’min ng katrabaho ko. Bago ko isulat ‘to, kaka-take ko lang ng pregnancy test at lumabas na positive. Hindi ko alam kung kanino ba ‘tong dinadala ko, sa asawa ko ba o sa katrabaho ko. Anong gagawin ko? Sana matulungan mo ako.

    Anonymous

    Hi Dear!

    Kaya it’s really important for all of us to practice the pause.

    Pause when angry, pause when in doubt, pause when tempted, and when you pause…pray.

    We don’t really know why people do what they do. Kaya ka nagalit ng sobra kasi niloko ka, nanugod ka agad, ‘di mo ba alam sa pagsugod mo mas kahiya-hiya ka?

    I mean as legal wives, you have all the right to spit fire. Pero if you maintained your composure and just dealt with your husband accordingly, kasi para sa akin mas may kasalanan ang asawa mo eh. ‘Di naman siya malalandi ng iba kung ‘di siya magpapalandi. Well, may kasalanan din ang babae, kasi walang magaganap kung ‘di siya papayag, unless rape, ‘di ba?

    Anyways, now you know how it feels to be “tested” and tempted.

    Well, ikaw na lang makakaalam niyan kung sino ang ama, lalo paglumabas na ’yan.

    Siguro resign ka na lang at magpakabait muna sa bahay and get on with the pregnancy.

    Or kung malakas ang loob mo, tell your husband about it, and accept whatever decisions he’ll make. If you keep it to yourself, you’ll keep it until the day you die.

    If you tell him, then no one can use it against you.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.